“ Good morning!”
Napasinghap si Hella,napatigil sa paglalakad papunta sana sa kusina ng marinig ang pagbati ni Aki. Napakurap siya bago umangat ang tingin dito,napangiwi siya.
“ Good morng din.” Ngumisi lang si Aki at nilapitan siya,kaagad na inabot nito ang beywang niya at iginiya siya maglakad.
“ The breakfast is ready,may iba ka bang gagawin para sa araw na ‘to?” Tanong ni Aki matapos siyang ipaghila ng upuan,tumango naman siya at naupo na.
Tumango tango si Aki at nilagyan na ng pagkain ang plato niya,matapos ay nagsalin ng juice at inilapit sa tabi niya.
“ Thank you.”
“ Your welcome!”
Sagot ni Aki,napasinghap siya sa ginawa nito. Hinalikan nito ang kanyang ulo,saka naglakad palapit sa upuan nito.
Napakurap siya,hindi siya sanay sa ganito. Parang nitong nakaraang araw lang ay hindi niya ito makita o makasalubong manlang ,ngayon naman ay parang nag iba ito. May kakaiba sa aura nito ngayon,at bakas ‘yon sa mukha ni Aki. Nakangiti ito,at ng makita nitong nakatingin siya dito. Biglang kumindat si Aki kaya mabilis din siyang nag iwas ng tingin at tumikhim,saka nagpatuloy sa pagkain.
“ Lalabas ako mamaya.” Basag niya sa katahimikan ng kusina,agad na napatingin si Aki sa kanya at naibaba pa nito ang hawak na baso ng tubig.
“ You’re going somewhere? You know it’s still dangerous for you out there ,and if it’s not important ako na ang gagawa. Sabihin mo na lang sakin.” Bakas ang pag aalala sa mukha nito,napabuntong hininga siya at umiling.
“ No Aki..”
“ Baby..” malumanay na tawag nito, napailing.
“ I want to see mom.” Putol niya sa sasabihin pa nito,napakurap naman si Aki sa sinabi niya at tumango.
“ Okay,but can’t you just do it tomorrow?I have to make sure everything is okay ,when you go out of this building.”
Napakunot ang noo niya sa sagot nito,pinanliitan niya ito ng mata . Umiwas naman ng tingin si Aki at tumikhim,tumayo na ito at dinala ang pinagkainan sa sink.
“ I’ll be fine,at saka siguro naman ngayon ay ayos na. Ilang linggo na rin naman,and I really want to see and talk to my mom.That threat already died down,wala din naman na silang makukuha sa’kin. Ayaw na nga akong pahawakin ni uncle ng kahit anong case eh!”
“ Hella.”
Naging seryoso ang boses ni Aki,napabuntong hininga siyang tumayo na din. Kinagat niya ang ibabang labi bago humakbang palapit kay Aki. Huminto siya sa harap nito,nag aalinlangan man ay inabot niya ang kamay nito .
“ I’ll be fine,sasamahan mo naman ako ‘di ba?”
Tiningnan niya ito,napanguso ng hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. Maya maya ay napabuntong hininga si Aki at hinila siya palapit para sa isang yakap. Napalunok siya bago gumanti ng yakap sa ng binata,isinandal nito ang mukha niya sa dibdib nito.
“ I’m just worried,and yes sasamahan kita.” Napangiti siya sa sinabi nito,pagkatapos ay hinalikan nito ang ulo niya.
“ Thank you!” Natutuawang sabi niya,napahiyaw siya ng bigla siyang umangat kaya napayakap ang mga binti niya sa beywang nito.
Natawa naman si Aki at hinalikan lang ang kanyang balikat saka naglakad papuntang sala.
Inilapg siya nito sa sopa ,humalik sa noo niya at tinitigan siya.
“ Stay here first,I need to clean the dishes and need to make few calls. I need to make sure everything is secure when we go out.”
Nawiwerduhan man ay tumango na lang siya dito,ngumiti ito at hinalikan ulit siya sa noo bago mabilis na kinintilan ng halik ang kanyang labi.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...
