CHAPTER 56

159 1 0
                                    

OHN 56

AKI

"You should rest too bud!" tinapik ni Hace ang balikat ni Aki, pero hindi siya natinag at nanatili ang paningin kay Hella na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

Napabuntong hininga ang kaibigan, isang tapik pa ay nagpaalam itong bibili lang nang kape.

Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga, sa takot na bigla nalang itong mawala. Natatakot siya, sigurado na magagalit ito 'pag nagising. Handa na siya para doon, pero hindi maalis ang pangamba na baka ikasama nito ang mga sasabihin niya.

Nang bumalik si Hace ay inaabot nito ang dalang kape, hindi na siya nagulat pa nang makita na kasunod nito ang ilang kaibigan nila. Agad na lumapit si Adrian, bakas ang pag-aalala para sa pinsan. Si Draco naman ay naupo katabi ni Hace, tinapik lang ang balikat niya.
Halos tanghali na nang magising si Hella, hindi pa siya nakagalaw nang deretso ang mga mata nito sa kanya. Walang emosyon, nag - aalala siyang napatayo at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Napakurap si Hella, pumikit.

Kalaunan ay nanlaki ang mata nito, biglang napaupo na inalalayan niya naman agad. Lumipad ang kamay nito sa tiyan, kinapa at nag-aalala. Nag - angat ang tingin nito sa kanya, napalunok siya. Nangungusap ang mga mata ni Hella, hinawakan ang kamay nito saka naupo sa gilid ng kama.

"Our baby is fine.."
"Oh god, thank you.." nanghihina itong napasandal sa kanya, ang kamay ay nakahaplos sa tiyan.

Niyakap niya ito, hinaplos ang ulo pababa sa likod saka hinalikan ang ulo. Narinig niya ang munting hikbi nito, gumalaw ang balikat. Napatiim bagang siya, napapikit.
" I'm sorry.. " He said, after Hella calm down.
Hella just look at him, her face is still with the dried tears. Paminsan pa itong humikbi, ang pamilya ni Hella ay lumabas muna para mabigyan sila nang privacy.
Hinawakan niya ang kamay ni Hella, lihim na humugot ng hininga.

"What exactly are you saying sorry for?" walang emosyon nitong tanong sa kanya, napalunok siya.

"Everything.." halos pabulong niyang sagot, nilalaro ang mga daliri sa kamay nito.

"Why do you have to keep it from me anyway? Pamilya ko na ang involved Aki, kaya hindi ko maintindihan kung bakit pati 'yon ay hindi mo masabi sa'kin. Ganito nalang ba palagi, na kung may mangyayari itatago o ilalayo mo lang ako sa gulo. Pagkatapos ang pamilya ko naman ang apektado, tapos ako nagsasaya lang na walang alam! Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? I felt worthless, i felt left out! Wala akong kaalam - alam na ganoon na pala ang nangyayari sa pamilya ko."

Napahagulhol na si Hella, itinakip nito ang dalawang kamay sa mukha at yumuko. Nabahala siyang hinawakan ang mga balikat nito, inalo nag dalaga.

" baby.. " Napahinto siya nang bigla ay nag-angat ng tingin si Hella sa kanya, puno ng luha ang mukha nito.

"Kung hindi ba nalagay sa panganib ang mama mo ay hindi tayo babalik dito? Pagkatapos, mananatili akong bulag sa mga nangyayari?" Bakas dito ang galit, hinampas nito ang kanyang dibdib.
Hinayaan niyang ilabas nito ang sama ng loob, hindi siya makapag salita. He's to blame anyway, it's all his fault.

" I'm sorry .. "

Niyakap niya ang dalaga, nagpumiglas ito sa una. Pero dahil sa panghihina ay nanatili ito sa kanyang bisig. Masakit para sa kanya ang marinig itong umiiyak, nagtagis ang bagang niya.

Pumasok na ang mga magulang ni Hella, kaya wala siyang choice kun'di ang tumayo at lumayo dito. Agad na lumapit ang ina ni Hella dito, tinanong at humingi ng tawad. Hella was silent, a silence that he never knew can hit him like a knife has been stabbed on his chest.

Lumabas siya saglit para makibalita sa tauhan niya, tinapik lang niya ang balikat ni Hace na siyang malapit sa kanya bago lumabas.

"How's everything, nakaayos na ba ang lahat?"

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon