CHAPTER 59

192 2 0
                                    

OHN 59

HELLA

“ Anak..”

Nilingon niya  ang inang nag-aalalang nilapitan siya,kahit anong pigil ng iyak ay hindi niya pa rin napigilan ang paglandas nito sa  kanyang pisngi  . Niyakap siya ng ina,inalo habang hinahagod ang kanyang likod at pinapakalma siya.

“ You have to calm down hija,crying too much won’t do good for your baby. Pull yourself together,Aki wouldn’t like to see you like this!”

Umiling lang siya dito,hindi niya kayang mapakalma ang  sarili. Humahagulhol siya sa balikat ng ina,hinayaan naman siya nito. Ang pamilya niya ay nag-aalalang nakataingin sa kanya,ang kanyang ama na hindi malaman kung lalapitan ang anak na naghihinagpis. Ang kuya Alejandro niya naman ay nagtatagis ang bagang,nakakuyom ang kamao. Labis itong nasasaktan para sa kapatid ,sa kaibigan na nabigo siyang protektahan.

Nang kumalma na siya ,walang buhay siyang nakatingin kay Aki. Gagap ang kamay ng lalaki,nakatitig lang dito. Nahihirapan siyang lumunok,sa hitsura nito ay hindi biro ang dinanas . Nangingitim ang mga mata nitong halos hindi na makita. Mga pasa sa mukha,may mga sugat sa mga braso.She knows there’s more on his body,but she wouldn’t look at it anymore. She can’t bear to  look ,her  heart can’t take it.

Naluluha na naman siya,pero this time ay pinigilan niya. Her ob doctor came and check her after a while of crying,she was exhausted  so her mother called . And the doctor told her to take precaution,for her baby. Masama ang sobrang pag-iyak,at kailangan niyang tatagan ang sarili. Her baby can feel ,what she  feels. So,she pull herself together.

“ You should eat..” Tinanguan niya lang ang ina,inilapit nito ang pagkain sa kanya.

Sa totoo lang ay wala siyang gana,pero nang maalala ang anak ay kumain na siya. Pinilit niyang kumain,kahit nahihirapan siyang lumunok.


“ Akihiro will be fine,you should rest Hell.  You need it,you and your baby needs it.”  Her brother said,urging her to rest. It’s been  three days,Aki is still unconcious.

Malungkot na nilingon niya ang kapatid,bumuntong hininga itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat.

“  I know you wouldn’t want to leave him,but you have to rest too. Ilang araw ka nang walang pahinga ng maayos,nagdadalang-tao ka Hella. Hindi na lang sa’yo ang katawan mo ngayon,kailangan mong ingatan ang sarili mo.”

Mariin niyang  pinaglapat ang labi,huminga ng  malalim. Nilingon si Aki,gumagaling na ang mga pasa nito sa mukha.

“ Babalik ako bukas ng umaga kuya,please take care of him for me.”Nangungusap niya itong tiningnan,tumango ang kapatid.

“ I will,I promise. Besides,Draco ang the gang will be here to visit too later. Wala kang dapat na ipag-alala,magpahinga ka ng mabuti. Ipapahatid kita  kay Cameron at James.”

Tumango siya sa sinabi nito,nagpasalamat bago tumayo. Pinagmasdan muli ang natutulog na si  Aki,lumapit siya dito. Yumuko ,saka hinalikan ang noo nito ng dahan dahan,nag-iingat na hindi mssagi ang pasa nito.

“ Magpapahinga lang kami ni baby sa bahay,babalik din kami bukas ng umaga. Don’t sleep too much Aki, I’m missing you so much already. “  Muli ay lumapat ang labi niya sa noo nito,huminga ng malalim saka lumabas ng silid.


Nakatulog siya sa biyahe, nang makarating sa bahay,nagpasalamat lang siya  kay Cameron at James na siyang bantay at naghatid sa kanya. Nang makapasok ay  sinalubong siya ng ina,nag-aalala  ang mukha nito. Nginitiian niya ng tipid ang ina saka humalik  siya sa pisngi nito.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon