EPILOGUE

445 7 0
                                    

EPILOGUE

HELLA

“ Mommy..”

Naalimpungatan si Hella sa maliit na boses ng  kung sino,nilingon niya ang tinig. Ganoon na lang ang pagngiti niya ng makita  ang anak na hawak na ngayon ng kanyang asawang si Aki. Nakangiti ito sa kanya,kinakaway ang maliit na kamay.

“ Good morning our sunshine..”  Masiglang bati ni Aki,saka siya hinalikan sa labi.
Their daughter’s hand automatically flew to her eyes,they both laugh at that.

“ Good morning to you two,my cute little munchkin.” Hinalikan niya ang tungki ng ilong ng  dalawang taung gulang na anak,nakasimangot nitong   pinunasan ang hinalikan niyang ilong nito. Nagkatinginan sila ni Aki,sabay na  natawa.

“ Sus ,arte!” Nangingiting pinisil niya ang magkabilang pisngi nitong matambok,namumula.

“ Mommy..”

Anas nito , pilit na nilalayo ang pisngi.Umalis ito sa hawak ng ama,pagkatapos ay gumapang pababa  ng kama. Inalalayan  pa ito ni Aki ,dahil may kataasan ang kanilang kama ,kumpara sa dalawang taong gulang nilang anak. Dumeretso ito sa sopa  at nagd-equatro ng upo,ang mga braso ay niyakap sa katawan. Masama ang tingin sa kanilang mag-asawa,nailing siya.

“ Is she just really a two year old girl?” Namamanghang tanong niya kay Aki,hinapit siya nito sa beywang  at hinalikan sa  gilid ng noo.

“ Well,hindi na dapat tayo magtaka. I bet she gets that from someone!” Nakangising sagot ni Aki,masama ang tingin niyang binalingan ito.

“ See?” Dugtong pa nito,pinisil ang kanyang ilong na mabilis niyang tinanggal ang kamay nito.

” Are you saying she gets that attitude because of me?” Nakataas ang kilay na tanong niya,tumikom ang  labi ni Aki  saka nito nilingon ang nakabusangot pa rin nilang anak.

” May pinagmanahan..” Halo sbulong ‘yon,pero narinig niya pa rin kaya piningot niya ang taenga nito.

“ Ouch baby that hurts!” Reklamo nito na hindi niya pinansin,nanlaki  ang mata niya ng sumigaw ang kanilang anak.

“ Mommy ,don’t hurt my daddy!” She stumped her feet as she walks towards them,Aki look at her  grinning .

“  Ah  ganoon,magkakampi kayong dalawa ha!” 

Tumayo na siya,saktong nakarating ang anak at mabilis nitong idinipa ang mga kamay sa ama na mabilis nitong kinarga. Nakasimagot  itong nakatingin sa kanya,nameywang siya sa dalawa.

“ Baby ,you  should say sorry to mommy. We don’t shout remember?” pinagmasdan niya ang mag-ama na nag-uusap,umirap lang ang anak niya . Napailing siya,gusto na niyang sumang-ayon kay Aki na nakuha nga nito ang ugali niya. Lalo na sa pag-irap.

Nagbulungan na ang dalawa kaya hindi na niya ito narinig pa,nang bumaling anak sa kanya ay napalabi ito, Kumurap-kurap ang mga mata nito,pinagsiklop ang dalawang maliliit na kamay.

” I’m sorry mommy,but you were hurting daddy eh. You have  a fault too,you should say sorry too.”

Napamaang siya,nakaawang ang labi at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Tiningnan niya si Aki na nagpipigil ng tawa,huminga siya ng malalim. Okay na sana eh,may hirit pa sa dulo. Anak niya ba talaga ‘to?

“ Fine I’m sorry.”

“ You are not sincere!” Nakataas an noong sabi nito,napatawa siya.

“ Hindi ka din naman sincere eh,magso-sorry ka nalang may hirit ka pa!”

“ Okay ,that’s enough you two. Baby,you may forgot you are talking to our two year old .” 

Pumagitna  na si Aki,hinapit siya nito sa beywang  palapit . Napasimangot siya,ang anak ay ganoon din.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon