OHN 57
HELLA
"Wala pa ba ang binata na 'yon nang makaalis na tayo." rinig niyang tanong ng ina, tukoy nito kay Aki.
Napabuntong hininga siya, nakabihis na din siya at handa nang umalis. Sakto naman na pumasok ulit ang kanyang kapatid, nakakunot ang noo nito.
"I just saw Aki leave.." nagugulumihan nitong sabi, hindi niya ikakaila ang lungkot na naramdaman.
"Why, hindi manlang njya3 tayo hinintay. Nandito pa ang mag-ina niya, just because hindi pumayag si Hella na manatili sa bahay niya ganito ang gagawin niya!"
" mom, Aki is not like that!" Kontra ng kanyang kapatid, umiling si Hace at tiningnan siya.
Umiwas siya ng tingin, tumayo na at naghanda sa pag-alis.
" Let's just go, huwag niyo ng hanapin ang wala. "
" Pero anak.. " inilingan niya ang ina, napatiim bagang na nagsimula ng maglakad palabas.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na si Aki ang ama ng dinadala niya. Nauna na siyang lumabas kasunod ang mga magulang. Nakasalubong pa niya ang kuya Alexander niya, lumapit ito sa kanya.
" nakita ko si Aki na paalis, kasama ang mga tauhan niya. Pero parang may kakaiba, ngayon ko lang nakita ang mga 'yon, may bago ba silang tauhan?" bumaling ito sa likod niya ng hindi niya ito pinansin. Kinausap nito si Alejandro, hindi na ito pinanain pa.
" Baka may aasikasuhin lang' yon, tatawagan ko na lang mamaya. Gagong 'yon, inuna pa ang trabaho kaysa sa kapatid natin. "Mas lalong umahon ang inis niya sa sinabi ng kuya Alejandro niya.
Sumubra ba siya , hindi niya ito pinapansin dahil nakakaramdam pa rin siya ng galit dito. Hindi niya matanggap na naglihim ito tungkol sa kanyang pamilya. Tanggap na niya ang paglilihim nito tungkol sa ibang bagay, pero ibang usapan na kapag ang pamilya na niya ang involved.
Two days, no news about Aki. Even her brothers doesn't know where to find him. Ayos lang naman 'yon sa kanya, ang hindi ito magpakita ng ilang araw. Pero magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya ito na-miss.
Araw-araw pa rin siyang naghihintay ng kasagutan, gusto niyang magpaliwanag ito. Gusto niya itong bigyan ng pagkakataon, at mas lalo siya naguilty sa mga sinabi ng kuya Alejandro niya .
"It was our choice not to tell you, pinili namin na huwag ng ipaaalam sa'yo ang mga nangyayari dito habang nasa isla kayo. Buntis ka at makakasama lamang sa'yo ang lubos na pag-aalala."
"Anak, may kasalanan din kami. Pinakiusapan namin si Akihiro na ilayo ka muna sa mga bagay na makakapagdala sa'yo ng stress. Oo, kagagawan ito ng kanyang ama. Pero wala siyang ibang ginawa kun'di ang patunayan ang sarili niya sa'min na iba siya sa kanyang ama. Nakita ko ang paglaki ng batang 'yon anak, nakita ko kung paano saktan at maltratuhin' yon ni Douglas. Gustuhin ko mang umawat noon ay wala akong magawa. Lulong ang ama nito sa ipinagbabawal na gamot. Kaya hindi na nakakapagtaka na lumayo ang kanyang ina. Pero mas lalong naging kalbaryo ang buhay Akihiro simula ng maiwan ito sa ama. Natigil lamang 'yon ng magbinata ito, hindi ko na alam kung ano ang sumunod na mga nangyari sa batang' yon. Kahit pa nanatili sila rito ng ilang taun, kahit hindi ko na nakikita ang ginagawa ni Douglas sa anak. Hinding-hindi ko makakalimutan ang musmos na batang pinagmalupitan ng sariling ama. "
Matapos ang pagkukwento ng kanyang ama, tinalikuran niya ang pamilya at nagkulong sa kwarto. Hindi niya ma-imagine ang sakit na dinanas ni Aki sa kamay ng sariling ama. Just listening to her father, telling her how Aki grow up. Her chest tightened, she can't properly breathe.
Now she understands why Aki needs to keep a secret from her, her pain can't be compared to the pain he felt. Maybe she grow up feeling left out by her family, but Aki. He experienced worst, and she can't imagined how worst Aki endured in the hands of his father.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...