CHAPTER 54

145 1 0
                                    

OHN 54

HELLA

Nagising si Hella na bumabaliktad ang sikmura,kahit na halos araw -araw na ‘yong nangyayari sa kanya ay hindi siya masanay -sanay. Nanghihina siyang napaupo,sapo ang tiyan at pumikit.Huminga siya ng malalim,saka tumayo at inayos ang sarili.

Lumabas siya ng silid at dumeretso sa kusina, nauuhaw siya. Dumeretso siya sa basuhan saka kumuha ng pitsel ,saka nagsalin ng tubig. Hindi niya pinansin ang lalaking nag-aayos ng mga pakain sa mesa,uminom siya saka humarap. Napaubo siya ,mabilis na ibinaba ang hawak na baso.Npahawak siya sa dibdib at hinampas-hampas ‘yon ng mahina. Nagulat naman si Alexander,lumapit ito sa kanya at dinaluhan siya.

” Hey ,are you okay? What happened?” Nag-aalalang tanong nito,hinaplos ang kanyang likod.

Sinamaan niya ito ng tingin,napakurap naman ang kapatid.”Y-you happened!”

Medyo nahihirapn niyang sagot.

“ And what are you doing here anyway?” Dugtong niya,pinaghila siya ng kapatid ng upuan saka naupo.

“ Sasamahan na muna kita dito,naghanda na pala ako ng umagahan mo. Kailangan mong kumain,nandito na din nag mga vitamins mo.” Paalala nito,inayos ang pagakkalagay sa mga ‘yon sa tabi ng kanyang plato.

Napatingin siya sa kapatid,napakunot ang noo saka iginala ang tingin. Tumayo siya saka naglakad palabas ng kusina,hinanap ng mata niya ang isang taong inaasahan niyang makikita sa umaga pagkagising niya.

“ Aki!” Tawag niya,pero walang sumagot .Dumeretso siya sa kwarto nito ,hinagod ng tingin ang paligid pero wala itong bakas doon. Bumalik siya sa sala,bumibigat ang dibdib sa hindi malamang dahilan.

“ Akihiro!” Tumaas na ang boses niya,napalunok siyang sinuyod ang buong penthouse.

Napahinto lang ng haranagin siya ng kapatid,kanina pa siya nito tinatawag pero hindi niya sinasagot at gusto niyang hanapin si Aki. May pakiramdam siya ,pero ayaw lang niyang aminin. Alam niyang isa sa mga araw na ‘yon ay magnyayari ito,pero hindi niya inaasahan na hindi manlng ito magpapaalam sa kanya.

“ Princess..” mahinang tawag ng kapatid sa kanya,hinawakan nito ang kanyang mga balikat.” He’s not here,I know you know it. Kagabi pa siya umalis,inihablin ka lang niya sa’kin.”

Tuluyan nang bumuhos ang luha niya,nasandal niya sa dibdib ng kapatid ang kanyang noo.Hinaplos ni Alexander ang kanyang buhok,napabuntong hininga ito.

“ Hindi na siya nagpaalam pa dahil baka magbago ang isip niya at talikuran na lang ang lahat. Nakikita kong natatakot siya Hell,takot siyang mawala ka kaya umalis siya ngayon para tapusin na ang lahat. Alam niyang hindi siya titigilan ng kanyang ama,isa lang ang pakiusap niya sa’yo.” Napatingala siya sa kapatid,puno ng luha ang pisngi. Pinahid naman ni Alexander ang luha niya,nahahabag ito sa kanya.

“ Wait for him.” Dugtong nito,nakagat niya ang ibabang labi at mas lalong umiyak.

“ P-paano kung hindi na siya b-bumalik,kuya?” umiiyak niyang tanong,umuling ang kapatid.

“ He will, babalik siya at panigurado ‘yon. And he promise one thing when he came back,kaya naniniwala akong babalik siya sa’yo.” He reassured her,tumango na lang siya dito.

After their breakfast ay naligo siya,pagkatapos ay napatulala na lang sa kawalan na nakaupo sa sala. Si Alexander naman ay nakatingin lang sa kapatid,gusto man niya itong tulungan ay wala siyang magagawa. Tanging pagbabantay at pagsama sa kapatid ang tanging magagawa niya. Hindi siya katulad ng kapatid na si Hace na may alam sa pakikipaglaban,may alam man ay tanging panangga lamang kapag nagkagipitan na .

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon