CHAPTER 9

266 2 0
                                    



Nagising si Hella na mabigat ang pakiramdam,dahil na rin siguro sa kaka-iyak niya kagabi. Tiningnan niya ang mukha sa salamin ng banyo,hinawakan niya ang magkabilang pisngi. Ngumuso ng makita ang hitsura niya,mugto ang mata niya. Bumuntong hinga siyang nagsimula ng mag asikaso para pumasok,naligo na siya at nagbihis.

Naupo siya sa harap ng vanity mirror niya,hinarap ang make up niya.

“ I need to do something with these face,I look like a zombie!”

She murmured as she go through her make up brush,and started applying make up to reduce her eyes from swelling.
Bumagsak ang balikat niya ng makita na kita pa rin ang maga ng mata niya. At sigurado na mapapansin ‘yon ng mommy niya,inis na tinanggal niya ang make up at nagsuot na lang ng eye glasses. Hindi siya nagsuot ng contact kaya ang makapal na salamin niya ang suot niya ngayon.

Bumaba na siya ,sinalubong siya ng kasambahay at iginiya papuntang dinning at doon naghihintay ang mommy niya. Napakunot ang noo niya ng hindi makita ang ama,lumapit siya sa ina at humalik sa pisngi nito.Naglalagay ang ina niya ng almusal sa mesa,napatingin ito sa kanya at napangiti.

” Good morning mom!”

Siniglahan niya ang boses para hindi na nito pansinin ang mukha niya,pero napakunot ang noo nito na pinaningkitan siya ng mata.Sinuri siya nito,napailing na lang siyang tinungo ang sariling upuan.

“ Hella Alexandrea..”

Nagbabanta na tawag nito sa buo niyang pangalan.
Napapikit siya ,napakagat labi. Talagang hindi siya nito palalagpasin,huminga siya ng malalim na inabot ang fried rice at naglagay sa plato niya.

“ I’m fine mom.”
Sabi niya nalang, nagsandok ng ulam.
Hindi ito nakinig ,naupo ito sa tabi niya at pinagsalin siya ng juice.

“ I know there’s something wrong my dear,you have to tell mommy para matulungan kita. O baka pinapahirapan ka ni kuya,madalaw nga mamaya.”

Umiling siya dito at sumubo ,tinitigan siya ng ina. Hindi na siya umiwas ng tingin,kilala siya ng ina.
Well,mother’s knows best!

“ Walang ginagawa si Uncle,pagod lang ako sa dami ng cases ngayon at sunod sunod pa.”

“ Why don’t you take a break then?”

Napamaang siya sa suggestion ng ina, parang nag aalok lang ito ng candy sa anak, actually maganda din naman ‘yon pero..

“ Marami pa akong nakapilang kaso mom,I can’t just leave it all behind.”

Pinagpatuloy na niya ang pagkain,hindi tumayo ang ina niya para umupo ito sa katapat na upuan niya. Kita niya ito sa peripheral vision niya at tinitigan siya,ino-obserbahan.Napabuntong hinga siyang hinarap ito,tumaas lang ang kilay nito.

“ Mom,stop staring at me like that. Kumain ka nalang. Atsaka, nasaan ang daddy, ako na naman ang nakita mo! ”

Saway niya dito pero umiling ina at nangalumbaba ang kamay sa mesa patagilid na humarap sa kanya. Hindi pinansin ang tanong niya tungkol sa ama.

“ This happen too before,you wear your old eye glasses and not wearing any make up. Something is really wrong,I remember you being like this before. “

Ikiniling nito ang ulo ,inalala ang sinabi nito. Binilisan niya ng kumain habang nag-iisip ito,uminom na siya ng tubig at tumayo. Iniwan na niya ang ina sa mesa na nag iisip pa rin,pero napahinto siya ng magsalita ito sa likod niya ng makarating siya sa pinto ng bahay.

“ Naalala ko na!”

Sigaw nito,napapikit siya at kinagat ang ibabang labi. Lakad takbo na ang ginawa niya papunta sa garahe,pero humabol pa rin ng ina.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon