YLANA’S POV:"Argh! This is the hottest summer I've ever experienced".
"May mas i-iinit pa 'to, trust me."
"Bakit ba kasi dito pa naisipan ni tito magbakasyon sa Manila? Like what the fuck?"
Bahagya akong natawa sa usapan ng isang lalaki at babae habang naka-upo. Most common conversations I always hear from couples na kumain dito sa fast food restaurant.
Ang arte naman ni ate, halatang maharlika.
Pero may punto naman siya. Sobrang init naman kasi talaga ngayon lalo na tuwing tanghali.Eh ikaw ba naman nakatira sa Pilipinas.
Humakbang ako papunta sa direksyon nila ngunit nagdadalawang isip namang magtanong.
"You really have your temper." Dagdag pa nang lalaki habang natatawa.
"I don't usually speak Filipino when I'm mad, but I have the best word for you." Sagot rin ng babaeng kaharap niya.
Kung pagmamasdan sa malayo para silang mag jowa na nagbabangayan. Pero dahil nasa harapan na nila ako, ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig ang mukha nila.
Are they relatives?
Mag kapatid ata.
They both have the same captivating eyes. How I wish I have a sibling...
"What, what is it?" Sulsol pa nang lalaki.
"Putangina mo!"
Mas lalong natawa ang lalaki sa sinabi niya, maging ako'y palihim ding ngumisi.
She looks gorgeous but has mean stares, and I also sense she can easily get irritated.
The boy looks charming, too. May dimples pa sa pisngi. Halatang-halata lalo na kapag nakangiti siya. Ang amo ng mukha niya.
They’re totally opposite.
"And you, what do you want?"
"H--Ha? Ay---sorry po, ma'am. Tatanungin ko po kasi sana kung ano ang order ninyo."
Tumaas ang kilay niya sakin nataranta ako.
"I–I uhm..." Fugde! Nahihiya tuloy ako.
Good thing I'm wearing a cap and a mask. Hindi niya nakikita ang reaksyon ko. Sino ba naman kasi ang hindi mauutal sa ganda niya.
Tumikhim ako at muling nagsalita. "Your order, ma'am." Sabay lunok laway.
"She wants to take our order, Kathy."
"You want to take our order but you didn't give us the menu." She scoffs.
Kagaya lang din pala ‘to sa ibang customers.
"Hawak po ng kasama niyo, opo." Kalmadong sagot ko saka tinuro ang menu.
Muling tumawa ang lalaki na mas kina-inis naman niya. "Give me that, Martin!" Utos pa nito.
"Nah, ako na. I know what you like." He then told me what they wanted to order, so I excused myself to leave.
"Shitty customers?"
Kamot ulo kong binigay kay Nica yung order nila. "Paano mo naman nasabi?" Walang ganang tanong ko sabay sandal sa gilid.
"Nako Ylana, sa tagal na nating magkakilala e kahit mata mo lang 'yang nakikita ko alam ko na agad ang iniisip mo." Maingat niyang pinatong sa tray ang order. "Thirdy, table twelve! " Agad naman dumating si Thirdy. "Malapit sa window!"
