YLANA’S POV:“Kamusta ang trabaho n’yo?”
“Okay lang, kaso minsan boring. Halos lahat ng mga kasama ko may mga edad na. Ang hirap makipag-socialize sa hindi mo ka humor.”
“Tanga! E mga electrical engineer ata ang mga nando’n.”
“Yung sakin masaya naman. Mabilis ko lang naka-sundo yung ilang nagta-trabaho. Kaso syempre 'di maiiwasan yung tambak na trabaho kahit na magaan lang ang dapat na inaasikaso ko.”
Kanina pa nag-uusap si Thirdy at Mariel tungkol sa bagong trabaho nila habang tahimik lang din akong nakikinig. Si Nica naman busy sa paghahanda ng pancit canton.
Tinawagan kasi nila ako kanina, nagpaalam na bibisita sa apartment. Halos araw-araw kasi silang nagkikita maliban sakin at nong banggitin kong day-off ko napagpasyahan nilang puntahan ako ngayon.
“Hoy, Ylana!”
Nagulat ako nang hampasin ni Thirdy sa braso. "Tulala ka ata d'yan, may problema ba?"
“H-Ha?”
“Hangin sa utak ni Ylana.” Pamimilosopo ni Nica sakin. “Kanina pa ako pabalik-balik dito hindi mo parin sila sinasagot.” Nilagay niya ang mga pinggan sa lamesa at na-upo sa tabi ko. “Anong meron sayo ngayon? Ang sabi nila, kamusta raw ba ang trabaho mo.” Pag-uulit niya.
Binuksan ni Mariel ang coke at isa-isang nilagyan ang baso namin. Pagkatapos niya saka lang ako nagsalita. “Okay lang.” At nagsimulang kumain.
Napansin kong tumahimik bigla kaya tinignan ko silang tatlo. “Hindi ba kayo kakain?”
“Okay ka lang ba?” Nag-aalala na tanong ni Nica sakin. Nilapat niya pa ang isang palad sa noo ko para maka-sigurado. “Hindi ka naman nilalagnat ah. Masakit ba ang ulo mo?”
Nakita ko pang ngumisi si Thirdy kaya hindi ko alam kung seryoso ba sila o binibiro na naman ako.
“Pinagloloko niyo ba ako?” Tinapik ko ang kamay niya at nagpatuloy sa pagkain. “Okay lang ako.”
“E yung trabaho mo?”
Natigilan ako sa tanong niya. Nagdadalawang isip kung iku-kwento ko ba yung nangyari o hayaan nalang muna sa ngayon.
“Oo nga, kamusta ang masungit mong boss? Buti naman ‘di kami nakarinig ng reklamo galing sayo. Siguro hindi naman ganun kasama yung ugali niya, ‘diba?” Dagdag pa ni Thirdy habang pabiro akong siniko. “Uy, Nica naman eh! Kunin mo nga yung tinapay.”
Habang natutulala, tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa at tinignan. Laking gulat ko naman ng mabasa ang text message na natanggap kaya mabilis kong pinatay saka nag sa walang-kibo.
“Nakita ko yun.” Sinamaan ko nang tingin si Nica. Pero imbis na manahimik, mas lalo pa siyang nag tanong dahilan upang mapansin ng lahat.
“Bakit, anong meron?”
“Are you hiding something from us?” Thirdy’s eyes narrowed. “Did we miss something?”
Lunok laway ko silang tiningnan habang mabilis na kumakabog ang dibdib ko. “Ipangako n’yo munang kakalma kayo.”
“Pusang gala! anong sinabi mo?”
“Seryoso, Yana?”
“Bakit niya ginawa yun?! Hindi mo naman pinapakialaman buhay niya ah?”
Mariin akong napapikit sabay hagod ng sintido ko sa sunod-sunod na mga tanong nila. “Pwede bang isa-isa lang?” Reklamo ko. “Akala ko ba kalma lang kayo?”
