48.

489 10 13
                                        


YLANA'S POV:




Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko. Ilang segundo rin siguro bago ko maaninag ang buong paligid. Nakabalot ang buong katawan ko ng bed sheet at nagulat pa ako nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Dahan dahan kong kinumpirma kung sino at napagtanto kong si Katherine nga ito.

Pumulupot ang kamay niya sa katawan ko at halos lagutan na ako ng hininga ngayon kaka-isip ng mga pangyayari kagabi. Mas lalo niya pang hinigit ang pagkakayakap sa akin bago ako hilain palapit sa kanya.

“Baby.” Kath’s quavering voice made me stiff.

Sumiksik din ang mukha nito sa leeg ko kaya hindi na ako gumalaw pa.

“Are you still sleepy?” I asked.

She nodded. “Too early. Let’s be like this for a while, please.”

Marahan kong sinuklay ang buhok ni Katherine gamit ang mga daliri ko saka siya hinalikan sa noo. “Okay, tulog ka po muna.”

I looked for my phone pero hindi ko ito mahanap kaya hinayaan ko na lang muna ang sarili na mahiga sa kama hanggang sa kung anong oras ni Katherine gustong bumangon. Ilang sandali pa ay nakatulog ulit kaming magkayakap.


“Kathy!!”

“Kathy, are you there?!”

Someone’s banging on the door, gaining a groan from Kath.

“Kathy, si daddy nasa baba! Bangon kana raw or else—--oh eto na pala siya! Kathy! Bangon na nandito na si daddy!”

“Kathy? Hija, wake up na at sabay tayong kakain!” Tawag nito.

My eyes widened nang marinig kung kaninong boses yun.

Kay Mr. Chavez!

Napabalikwas ako sa kama at dali-daling niyugyog si Katherine. “Baby, gising. Nandito na sila Mr. Chavez at tinatawag ka!” I  whisperedly yelled.

She groaned, grabbing the bed sheets bago tumalikod sa akin. Habang ako kinakabahan na at baka bigla na lang may pumasok sa loob ng kwarto.

Tangina talaga! Sumabay pa 'tong sakit ng ulo ko.

I stood up, looking for my things habang hawak hawak ang bedsheet na nakapulupot sa katawan ko. Nang makita ang buong sulok ay napakamot agad ako ng batok.

“Kathy, bangon na! Fix yourself and get downstairs, okay!” Kasabay nun ang tunog ng mga yapak palayo.

Mabuti na lang at umalis na sila.

Hinila ko ang isang bedsheet at dali-daling niligpit ang mga nagkalat naming damit bago pumasok sa shower upang maligo.


Paglabas ko ay wala na siya sa kwarto ngunit ganun pa rin ang kalat. The blanket is on the floor, the bedsheets are messy, and some of the pillows are scattered around the corner. Pero bukas na ang pinto kaya siguradong lumabas na si Katherine. Habang nagsusuklay ako ng buhok ay na alala ko na naman ang cellphone ko. Kanina ko pa yun hindi makita kaya hinanap ko ulit.

Asan na ba kasi yun?!

Hindi ko pa naman matawagan eh laging naka naka do not disturb yung cellphone ko. Madalas silent mode pa!

“Kathy, bilisan mo na—---Uy!! Anong ginagawa mo?!”

Nagulat ako sa boses ni Martin.
“Ma—-Martin? Kanina kapa ba dyan?” I smiled at him awkwardly.

Obsession Where stories live. Discover now