YLANA'S POV:
Hindi ko alam kung saang direksyon ang tinutunguhan ko. Wala na rin akong masyadong maaninag sa malayo dahil na rin sa mga luhang kanina pa pumapatak. I feel like a trash after I felt his hands on my body. Pakiramdam ko ang liit liit ko. Ni-hindi ko kayang iboses ang sarili ko o kahit dumipensa man lang.
Tang-ina naman kasi Ylana eh. Kaya ka laging napapahamak ang bobo mo talaga...
Hindi na talaga ako natuto sa kabila nang mga pinagdaanan ko dati.
Huminto ako sa gilid ng saradong establisyemento kung saan walang tao at tanging patay-sinding ilaw lamang ang maririnig. Habang naka-upo sa may gilid at sinagot ang tawag na sa pag-aakala ko'y si Thirdy, ngunit sa taong hindi ko inaasahang tatawag.
Bakit ba sa tuwing hindi ko inaasahang oras sila tumatawag??
Imbis na sagutin ay blangko ko lang na tingnan ang screen ng cellphone ko.
Kung hihingi siya ng pabor, yun ang hindi ko kayang ibigay ngayon. Tapos na ang oras ng trabaho ko and I don't wanna deal with her right now.I was hoping that she would sooner give up, but then again, my expectations weren't always right.
Ano ba ang kailangan niya?
"Ano ba?! Bakit ang tagal mong sumagot?"
Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa kawalan dahil sa namumuong inis.Pasigaw ang boses ng pagtanong niya dahilan upang mas lalong lumala ang nararamdaman mo.
But instead of talking back aggressively, I took a shaky deep sigh and greeted her flatly.
"Good eve, ma'am.""Where the heck are you?!"
Mas lalo lang ata akong naiiyak sa pagtaas ng boses niya. Bakit ba hindi niya kayang magtanong ng mahinahon? Nakakaintindi naman ako sa maayos na usapan ah. Dapat ba talagang sumigaw?
Muli miya akong tinanong. And this time, nababahala na ang tono ng pananalita nito ngunit mas ramdam ko paring galit siya sakin.
Bakit ba siya nagagalit saken?
"Na-nasa bahay lang po ng--" I pressed the mute button and bit my lip to prevent myself from sobbing. Agad ko ring pinunasan ang mga luhang walang humpay na umaagos sa mga mata ko.
Why do I have to be this miserable? Gusto ko lang naman maka-graduate ng college.
I heard her calling my name many times, and her voice sounds like I did something really bad which made me cry harder.
I tried to speak but my throat feels dry. I just couldn't say a word, so I ended up tapping the red button.
Pasensya ka na talaga Ma'am Kath... Hindi kita matutulungan sa ngayon...
I put my phone beside me and my hands automatically covered my face.
I started crying really hard.Wala na akong pakialam kahit pa may makarinig sa malakas kong hagulgol. Gusto ko lang mailabas 'tong mabigat sa dibdib na nararamdaman ko.
She keeps calling me ngunit mas nangingibabaw talaga saking 'wag sagutin ang tawag niya. Ngunit dahil ayoko namang isipin niya na hindi ko siya pinapansin ay nag-iwan ako ng ilang message bilang lusot.
Bago ko pa man ibaba ang cellphone ay nakareply na siya.
Don't you dare lie to me you stupid dork.
Pagbasa ko'y muli na namang tumunog ang phone ko.
Hindi niya ba muna ako tatantanan?
