28.

27 2 0
                                    

YLANA’S POV:





“What are you two doing?” Gulat na tanong ni Alex sa amin habang hindi makapaniwala ang itsura sa nakikita


Nanlaki bigla ang mga mata ko ngunit mas sa kabila ng pagpumiglas ko ay siyang higpit din ng pagkakatawak niya sakin.


Katherine didn’t bother to pull away. She even moved her lips, letting Alex see that she meant it and obviously asking for more.


“Hmnn—ano ba?!” Buong lakas akong kumalas sa pagkakahawak niya dahilan upang tingnan ako nito ng masama. “A—Ano bang problema mo?” Halos mawalan na rin ako ng hininga kaya suminghap ako ng hangin habang masama siyang tinitingnan.


“Kathy?!” Lumapit si Alex at pumagitna sa amin. “Why are you—-what the heck are you doing kay Ylana?!” She looked at her in disbelief. “Nababaliw ka na ba?”


“Stop meddling with us, Alexandra.” 


Kalmado lang ito habang malamig na nakatingin sa kaibigan niya. Hindi ko rin mawari kung pinagsisisihan niya ba ang ginawa nito.


What’s wrong with her?

Hindi ko alam pero mabilis na namuo ang mga luha sa gilid ng dalawang mata ko. I feel bad for shouting at her, but I don’t like what she did either.


“Tabi.” Hinigit niya ang damit ni Alex saka ito malakas na tinulak sa sahig. “Come here, Ylana.” Utos niya pa bago nilahad ang kamay ngunit hindi ko kinuha. 


Pabalik-balik lang ako nakatitig sa kanya at sa kamay nito. Nakita ko ring tumaas ang mga kilay niya at tila hinihintay ang desisyon ko.


“Oh, come on.” She grumbled before clenching her jaw, looking away before drastically pulling my wrist. “Let’s go.”

Nagpumiglas ako sa bawat hatak niya. Hindi dahil galit ako, kundi dahil mas mangingibabaw ang pagkalito sa utak ko. Hahatakin niya ako para ano? Tyaka saan niya na naman ako dadalhin?


Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Alex at hawakan ang kabilang braso ko. “Saan mo na naman dadalhin si Ylana?”


“Ano ba ang pakialam mo?!” Bulyaw niya pabalik. “I told you to stop meddling with us!”

Potangina. Heto na naman po kami…


“Yan! Yan ang problema sayo eh! Puro ka, stop messing with us! Shut the fuck up! Puro ka, ‘wag ka ngang mangialam, kesyo ganito ganyan! Ano ba, Kathy?! Pinipilit mo yung tao eh!”


My head tilted away when Katherine gave me dagger looks. “Am I forcing you?” She asked.

Bakit ba ang hilig niyang maging diretso? 


Yumuko ako kaya muli siyang nagtanong sa mas seryosong boses. “Ylana, Am I forcing you?”


“Paano sasagot yan e sinasaktan mo.” Reklamo ni Alex sabay tanggal ng kamay ni Kath sa pulso ko.

I heard Katherine sighed before losing her grip. “Happy?” She then gave Alex a sneering look. 


Hindi ito pinansin ni Alex, sa halip ay tinanong niya ako gamit ang malambing niyang tono. 

“Yannie, are you okay?”


“Potangina. Alam mo, Alex, ikaw? kahit kailan pabida ka talaga eh!”


“Kath, tama na.” Pag-aawat ko.

Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit ba palagi nalang siyang nagagalit ng walang maayos na dahilan? Hindi ko makuha ang pinupunto niya sa tuwing nawawala siya sa mood.


Obsession Where stories live. Discover now