27.

325 16 2
                                    


YLANA’S POV:





“Sigurado ka ba talagang wala tayong gagawin ngayon?”

“Oo nga, bakit ka ba paulit-ulit?”


“Nagtatanong lang naman eh.”


She got out and opened the car’s door for me. Sinamahan niya kasi ako galing sa kasalukuyan kong apartment para kunin yung mga gamit ko. Saka dumaan din kami sa convenience store para bumili ng pagkain.

We entered the building and went directly to the elevator. Habang naghihintay ay tinanong niya kung sinubukan daw ba akong i-reach out ni Ashley o kung sino man na konektado sa kanya. Umiling ako at kinumbinse siyang 'wag ng mabahala. Maliban kasi sa wala na akong pake, pinilit ko na lang din na huwag isipin ang mga nangyari noong gabing yun.


“Si Thirdy lang ang nag chat sakin kanina, and I can rest assured na wala siyang pagsasabihan.” Sagot ko.


Malaki ang tiwala ko kay Thirdy. I know he won’t even drop a word kahit kila Nica kapag nakiusap akong ‘wag muna.


“Nga pala, hindi kana ba—-”


“Ylana?”Bumukas ang pinto ng elevator dahilan upang matigilan kami sa pag-usap.


“Engineer Alex?” Gulat na tanong ko.
Anong ginagawa niya rito?


She immediately hugged me and squealed. “OMG! How are you?”


She also hugged Katherine but the latter didn’t bother to hug her back. She just rolled her eyes. “Okay, tama na yan, Alex. Madalas naman tayong nagkikita eh.”  Angal pa nito habang pilit inaalis ang sarili sa pagkakayakap ng kaibigan.


Maldita talaga.



“Why? Lagi ka talagang galit sa akin. Ang kj kj.” Napa-busangot si Alex saka binaling nalang ang atensyon sakin. “Are you with her for the whole day, Yannie?” Bakas sa boses nito ang pagka-sabik habang nakahawak sa magkabilang braso ko.


Hindi ko sinasabing super close na kami ni Alex pero nagagalak akong makita siya.


Alexandra’s facing her back at Katherine since she’s talking to me. But I also noticed how Kath looked at us in disbelief kaya sumalubong ang mga kilay ko.

She might be good at silence but her expression says otherwise.

“Yes po, actually sa condo niya kami ngayon papunta.”


The elevator’s door opened kaya lumabas kami. Nagulat naman ako ng kinalabit ni Alex ang kamay niya sa braso ko saka sumunod.


“Great! I think I might stay there na lang din muna. What do you think, Kath?” Alex giggles.


Hindi kumibo si Katherine at nagpatuloy lang na maglakad kasama namin.

Sinumpong na naman siguro siya ng pagka maldita niya.


Sa kabutihang palad, sanay na rin siguro ‘tong kasama namin sa ugali niya kaya mas pinagpatuloy pa nitong mang-inis. “Don’t you miss me, Kath? Ako kasi oo e, lalo na ‘tong kas—-”

“For fuck's sake, Alex! Nasa room 205 ka lang. Tigilan mo nga kami.” She blurted out before walking hastily.

Napatitig kami ni Alex sa isa't-isa at hindi ko alam kung matatawa ba ako madidismaya.

Palagi ba talaga silang ganito?


Sumunod kaming dalawa sa condo ni Katherine at patuloy lang sa pagsasalita si Alex.


Obsession Where stories live. Discover now