YLANA'S POV:
Nasa campus ako ngayon dahil may kailangan akong asikasukin sa grades ko. Maaga rin namang umalis si Katherine kasama si Mr. Chavez pero hindi kami sabay dahil didiretso sila sa kumpanya ni Kath, kaya nag commute ako.
Bwisit nga eh. Pagpasok mo palang kitang kita mo agad ang mahabang linya.
Hindi raw kasi tugma ang nakalagay sa gmail at sa final grades na ipinakita ng professor namin kaya need kong i-follow up. Apat na beses na rin akong pabalik-balik sa dean's office kasi dapat may approval muna doon bago ma access sa computer ng registrar. Tangina lang.
“Sigurado ka ba miss na kinausap mo na yung assistant?” Tanong ng staff sa akin habang naka-refresh ang computer.
“Opo, sir. Tyaka kanina ko pa binalikan yun.” Magkasalubong ang mga kilay na sagot ko.
Sinilip ko ang computer at hinintay na lumabas ang result. Hindi ko rin maiwasang mapakagat sa kuko ko. Yung unang nakalagay kasi eh tres, pero nung tinanong ko yung professor namin eh hindi naman raw. Ang gulo nga eh!
Kaya ganito na lang yung kaba ko ngayon. Lakas maka-boost ng anxiety, jusko!
Hindi ako pwedeng matanggal sa dean's list. I am nothing without academic validation. Alam ng buong barkada ko yan.
Ilang sandali pa ay tumambad sa screen ang grades na 1.5 at sa gulat ay napahiyaw ako. Thank you, Lord!
“O, ayan na pala. Congrats!” Bati ng staff sa.
“Jusko akala ko po bagsak.” Nagpasalamat ako sa kanya.
“Sus, ‘di yan! Wala ka bang tiwala sa self mo?” Nakangiting tanong ng staff sa akin.
“Meron naman po.” Sa system niyo lang wala.
“Magpapa-enroll kana ba miss tapos nito?”
Tatlong araw mula ngayon ay cut off na nila at next year ang continuation nito. Sa haba ng pila ay paniguradong aabutan din ako ng hapon. Isa pa, wala pa akong balak mag enroll ngayon. Ang usapan kasi namin nila Nica ay sabay kaming mag-eenroll.
“Next time pa po ako, sir.”
Abot langit ang ngiti ko nang lumabas sa registrar’s office. Sa wakas! Tapos na rin. I looked for my phone and saw a notification. It was a message from Katherine.
From: My babyyy (。♡‿♡。)
Text me if tapos kana and I'll fetch you up. Love yah!
Received: 10:03 AM.
That was an hour ago. They probably had an early dismissal, so I immediately replied.
To: My babyyy(。♡‿♡。)
Done na po, baby! Hbu? Tapos na ba ang meeting ninyo dyan?
Sent: 11:12 AM.
After five minutes ay tumawag siya.
“Hey, baby! Are you done na ba?” Damn! Why does her voice sound so sexy?
“Tapos na po. Ikaw, kamusta ang meeting ninyo?” Masayang tanong ko habang naglalakad.
“It went well. Alam mo ba? May bagong mga investors si tito sa kumpanya. Naglabas agad ng malaking pera!”
“Agad agad?”
