24.

23 3 1
                                    

YLANA’S POV:





She tossed me a vulgar dress pero hindi ko sinuot so I ended up wearing a crop top and jeans.

“Way better.”

Ngumuso siya habang naka-krus ang mga braso sa dibdib. “You’d be more alluring in a dress.”

“Okay na ‘to, hindi naman tayo magtatagal do’n, ‘diba?”

“Yup! Sabagay, maganda ka naman talaga eh.”  Kumibit balikat siya bago kami tuluyang umalis.

Her two friends sat in the back seat while she dragged me to the passenger seat. Dumirito kami sa isa sa mga kilalang club dito sa Maynila.

“Bilisan niyo! Kanina pa sila naghihintay.” Ashley parked the car and we immediately get out.

Sumusunod lang ako sa likuran niya hanggang sa makapasok kami. Ang daming tao sa loob ngunit parang alam na alam na ni Ashley kung saan pu-pwesto. Lumingon pa siya at hinatak ang kamay ko kahit may nakaka-bangga siyang mga tao. “Don’t mind them, come on.”

Smokes are everywhere and I can smell the liquors. The loud bang of music, and these party goers makes the whole atmosphere absolutely intense.

We sat next to each other and she introduced us. I wasn’t really paying attention since I'm starting to enjoy the crowd.

“Oh, siya? This is Ylana,” Siniko niya ako kaya napatingin ako sa kanilang lahat. “She's my friend, right, Ylana?”

I gave them a shy smile saka nagpakilala. They’re four across the table and they are all men. Isa-isa nila akong kinamayan at pinakilala ang sarili.

As they talk, napansin ko rin ang pagdami ng mga taong sumasayaw sa gitna. They also offered us a drink kaya nagsimula na silang uminom. If I'm not mistaken mga nasa mid twenties na sila, obviously older than us. Hindi naman sa conscious ako o ano, pero nagsimula akong magtaka nang umupo ang isa sa mga kaibigan ni Ashley sa lap ng lalaki.

Ewan ko lang kung masyado bang mabilis ang mga pangyayari o talagang ganun lang sila?

Medyo tumagal kami sa table until Ashley decided to dance with them. Niyaya pa ako ni Ashley sa kanila ngunit tumanggi ako. Nagpa-iwan lang ako saka uminom. Ilang sandali pa ay may tumabing lalaki sakin st nagsimulang magsalita.

“So you’re Ylana pala? I’m Brent.” Nung una ay nagdalawang isip pa akong kausapin siya pero dahil nagsimula na siyang dumaldal, wala na akong choice.

Sobrang random ng mga pinagsasabi niya and I can also sense na may pagka-hambog ang isang ‘to. He likes to talk about cars and women. He keeps bad mouthing about us na parang tropa talaga kami. Tahimik lang akong nakikinig at tumatango upang pakisamahan siya pero naiinis na talaga ako.

“Nga pala, do you have a boyfriend? Baka kasi magalit ang jowa mo kapag nalaman niyang nakikipag-usap ka sa ibang lalaki.” Ilang shots na ang tinungga niya at paubos na rin ang pangatlong bote kaya sigurado akong wala na siya sa tamang katinuan.

I looked for the others pero dahil masyadong ma tao na ng paligid, hindi ko sila makita.

Asan na ba sila?

“Hey, what are you looking for? Nandito naman ako ah.” Brent grabbed my waist and pulled me closer to him. I smelled the mixture of liquor and cigarette from his breath. Kadiri.

I turned myself in the other direction and pushed him slightly, but to my surprise, his hands started to roam.

My eyes shut off when his palms rubbed my shoulders. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, nagsisimula na ring manginig ang mga kamay ko.

Obsession Where stories live. Discover now