YLANA’S POV:
I woke up earlier than usual to get ready for my first duty. Oo, kahapon kinausap na ako ni Mr. Chavez at ngayon ang simula ko. I should be there at their house before 8 AM since Ma'am Katherine has a short temper.
Which is obvious.
Siya na rin daw ang bahalang kumausap sa pamangkin niya kaya wala akong problema.
Wala nga ba o hindi pa nagsisimula?
Magkaiba ang schedule naming apat pero ngayong umaga, kasabay ko si Thirdy papunta sa kanila. He asked me tungkol sa trabaho ko kaya sinabi ko sa kanya. Habang siya naman raw ay sasama kay Mr. Chavez. Kinuwento niya rin sa akin ang iba't ibang modelo ng sasakyan na ipapa-ayos sa kanya.
“Good morning!” We greeted Mr. Chavez and he replied with his signature grin.
“Shall we start? Aalis na tayo and oh! Ylana, she's still upstairs.” He then bid his goodbye and signaled Thirdy to come with him.
“Exciting to.” Bulong naman ng katabi ko. “Goodluck sayo, Yanyan!” Bago sumunod.
“Yeah.” Mahinang salita ko na lamang.
I really hope luck's in my favor.
After a few minutes I heard the sound of heels walking downstairs. I gulped as she walked closer.
“Let's go?” Tanong niya bago ako nilagpasan nang hindi man lang ako tinignan.
We entered the car and I was surprised when she rejected the driver to drive for us. “Not now.”
Nakita ko ring ibinigay ni kuyang guard sa kanya ang susi bago ito umalis.
Taray.
Inaasahan ko pa namang may kasama kaming driver para 'di gaanong awkward ang sitwasyon.
“Ilang beses ko ba dapat i-remind sayo na dito ka umupo sa passenger seat?”
Nagkatinginan kami sa rear-view mirror. Ilang segundo rin ata akong nag-isip kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Pwede po ba?” Anong klase ng tanong yan Ylana?!
Isang irap ang natanggap ko kaya bumaba ka.agad ako para umupo sa tabi niya.
“Why did tito even hire you?”
Tanong mo sa kanya.
Mahina lang ang pagkakasabi niya ngunit batid kong sinadya niyang iparinig yun sa akin. Nung mag drive na siya ay muli kaming binalot ng awkwardness.
Ayos!
Ngayon mas lalo akong pinagpapawisan. Wala man lang kahit anong sound escape. Not even a radio music. Welp. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa awkwardness.
“Ma’am, c-can I open the window?” I asked.
“I don't know, can you?” She asked back.
“I-----I mean, pwede po ba?”
“Naka-on ang aircon.”
Edi papatayin ko!
“Medyo nahihilo kasi ako.” Lusot ko.
This time, inalis niya ang titig sa harap at tumingin sakin. “Alright. Let's just turn off the aircon. Baka masuka kapa dyan at madumihan pa 'tong sasakyan ko.”
Napakurap ako ng dalawang beses sa hinirit niya. Magpapasalamat na sana ako pero may dagdag pa talaga eh no?
Lihim tuloy akong nainis.Muli kaming binalot ng katahimikan hanggang sa naisipan niyang i-park ang sasakyan sa parking lot ng mall.
![](https://img.wattpad.com/cover/359778564-288-k515490.jpg)