YLANA'S POV:
Mabilis na sumapit ang hapon at sa kabutihang palad ay natapos din ang kalbaryo ko.
“Sa wakas! Makakatulog na ako ng mahimbing.”
“Good for me, Andy. Nakakasawa na rin kasi ang pagmumukha mo.” Ani Maggy na may halong pang-iinsulto.
“Talaga lang ha? Sige, tingnan natin kung sino ang hindi namin kasabay ni Ylana sa enrollment.”
“Excuse me? Sabay kami ni Ylana, ‘no?” Taas kilay at naka-pamewang na sagot ni Maddy sa kanya. “Right, Yana?”
Tanging tango lang ang binigay ko dahilan upang magkasalubong ang mga kilay ni Andy. “Ylana naman eh. Pinapanigan mo’ng conyong hilaw ma yan kesa sakin na ka-humor mo?” Ani mo’y dismayado pa ang mukha nito habang nakabusangot.
“Anong hilaw? Hoy Andriana, ikaw ang hilaw!” Bumelat pa si Maddy sa kanya sabay kutya ng baduy.
“Conyong hilaw na mukhang radish!”
“Excuse me?! —--”
“Yana, uuwi kana ba?” Tanong ni Andy na tila hindi pinansin ang kasama namin.
Alam na alam niya talaga kung paano galitin si Maddy.
“Matagal pa yun. Tyaka, magkikita pa rin naman tayo next sem.” Pangungumbinsi ko.
“Hoy, Andriana kinakausap kita!”
“So hindi mo nga ako isasabay?”
She's really ignoring Maddy's presence…
“Tanga, syempre sabay tayo.” Natatawang sagot ko kaya mas lalo siyang bumusangot, habang ang katabi naman namin ay nag-aapoy na ang ilong sa inis.
Nagkahiwalay kaming tatlo pagkatapos bumaba ng elevator. Si Maddy kasi ay sinundo ng pinsan niya dahil may pupuntahan sila. At si Andy naman ay nagmamadali ring umuwi dahil may kailangan pa siyang bilhin sa botika.
Pasulyap-sulyap ako sa paligid upang hanapin si Kath ngunit wala naman akong nakikitang sasakyan na pagmamay-ari niya rito. Baka hindi pa siguro siya nakakarating. Wala rin naman akong natanggap na text o kahit anong tawag mula sa kanila kaya napag-isip-isip ko baka busy pa. Ayaw kong namang tumawag, baka makasagabal ako sa oras nila.
I looked for a bench para umupo and It took me maybe fifteen to twenty minutes but still found no Kath.
Binibiro lang kaya niya ako kanina?
Pero sabi niya susunduin niya ako. She even asked for my schedule earlier.
Bakit ko ba tinatanong?
Kung sa bagay, pwede naman akong mag commute pauwi. Kapal talaga ng Mukha kong mag assume. Ano ako, VIP para sunduin? E ‘di hamak na sobrang yaman nila kesa sakin.
Ilang sandali pa ay napagtanto kong umuwi na lang kesa maghintay.
“Ylana!”
Tumalikod ako upang tingnan ang sumigaw. “Jester?”
“Hi, Ylana. Pauwi kana rin ba?”
“Ah, oo.” Ngumiti ako ng tipid at muling naglakad.
“Hindi ka naman siguro nagmamadaling umuwi, diba?”
“Hindi naman, bakit?”
Biglang lumawak ang ngisi ni Jester sakin bago kinalabit ang kamay nito sa braso ko. “Coffee tayo? Treat ko.”