YLANA'S POV:
“Tapos kana ba, ‘nak?”
“Opo, Tiya Isabel. Actually, ready na nga po ang uniform ko para mamaya.”
“Nako kang bata ka, sabi ko naman sayong ako na ang mag laundry, ayaw making eh.”
Napakamot ako ng ulo habang natatawa. “Kaya ko naman po kasi, Aling Cecil. Isa pa, nakakahiya namang abalahin pa kayo.”
“Trabaho namin yun, hija.”
“Kahit na po.”
Naudlot ang usapan namin nang dumating si Martin. “Where's Kathy?”
“Ahh, Sir Martin, magandang umaga po. Baka po nasa kwarto niya ulit.” Sinalubong siya ni Sling Cecil. “ ‘Wag po kayong mag-alala, kumain na siya.”
“That's good.” Tinanong pa siya ni Aling Cecil kung mag-almusal na ba ito at tumango naman si Martin bilang sagot bago lumapit sakin. “Ylana, may I have a minute with you?”
Bigla akong nausisa kaya kusa akong sumang-ayon. Tumungo kami sa may garden at saka lang siya nagsalita. “Dad won't be here until next week, and aalis na ako mamayang hapon papuntang Dubai to take my masters there.” Bahagyang umawang ang bibig ko kasabay ng ilang beses na pagkurap ng mga mata. “I know, I know.” He probably read my thoughts. “It's urgent. Dad told me to take my masters in Dubai kaya pansamantala muna ako roon.”
“Kailan ka po babalik?”
“Not sure, but it won't take less than six months. I might reside in Dubai for a year or two, pero nangangako naman akong bibisita.”
Bakit niya ‘to sinasabi sa akin at hindi sa pinsin niya?
“At bakit mo po ‘to sinasabi sa akin?” Nagtatakang tanong ko.
“Everyone knows. In fact, Kathy don't give a shit kung aalis man ako at hindi na babalik.” Humalakhak siya dahilan upang bumalikwas ako. “Kidding aside. Anyways, I am asking you a favor. Sa katunayan, inutusan din ako ni papa na ipagkatiwala sayo si Kathy.”
Napansin niya siguro ang reaksyon ko kaya nagpatuloy na siya sa explain.
“She’s hard headed.” He gave me a forced thin smile.
“Magpinsan nga kayo.” I pressed my lips, making him to laugh.
“Ayaw niyang mag hire kami ng guard. She's been telling dad ever since we came here. Ayaw niya kasing binabantayan ang kilos niya.” He bit her lower lip, looking at me apologetically. “She's grown and alam naming marunong na siya sa ginagawa niya. Pero sa tuwing kasama niya ang mga barkada nito, wala masyadong tiwala si papa. So please, Ylana, look after her.”
Geh, bahala na 'tong guardian fairy ko.
I took a deep sight, nodding my head. “I will. Pero hindi ko mapapangakong makokontrol ko siya, Martin. Ikaw na ang may sabi, malaki na si Katherine.”
“Thank you, Ylana.” Malugod niyang tinapik ang balikat ko. “Nga pala,” May kinuha ito sa bulsa niya at nilahat sa akin na agad ko namang kinuha. “Kung nahihiya kang tumawag kay papa, sa akin ka dumulog ng tulong.” He handed me a calling card. “And please don't tell her we talked about this.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. “He facetime dad last night na aalis siya mamayang gabi. Alam kong may klase ka pa and I don't think dito ka ulit matutulog mamaya. But I m asking you a favor to be with her later, please.”