44.

420 8 5
                                        


YLANA’S POV:






“Magandang araw po.”


“Ay neng, magandang araw.” Bati ni manong guard sakin. “Akala ko ba hindi kana babalik ngayon?”


“Po, kuya? Lunes ngayon at may trabaho po ako.” Nginitian ko pa si manong pero kumunot lang ang noo nito.

“Hindi ba kayo nagkapag-usap ni ma’am?”

“Bakit po anong meron, kuya?”

“Hindi pa siya nakaka-uwi magmula kahapon. Pero bago pa siya umalis ay pinagbilin niyang hindi mo na raw kanilang bumalik ngayon.” Parehas kaming nagkatinginan. Kung nagtataka siya bakit ako nandito, naguguluhan naman ako kung saan si Katherine natulog kagabi.

“Wala po siyang sinabi na hindi ako babalik bukas. Tyaka, kuya, may alam po ba kayo kung saan siya pumunta?” Tanong ko.


“Ay wala neng eh. Pero baka bukas pa ata ang uwi. Baka bukas duty mo na.” 

Saglit lamang ang usapan namin ni manong guard at hindi na rin ako nagtagal pa.

Bumalik na lamang ako sa apartment at pasalampak na humiga sa kama.

Hindi ako mapakali. Naiinis talaga ako sa tuwing naalala ko yung text ni Kath kagabi. 

Busy. 

Muli na namang bumigat ang pakiramdam ko na para bang may kung anong matutulis na bagay ang tumutusok sa dibdib ko.

Mas lalo ko pang sinubsob ang mukha sa unan nang mapagtantong hindi pa pala ako nakapag grocery mula kahapon. Great. 

Napipilitan man ay lumabas ulit ako upang mamili. Alas diyes na at marami rin ang tao sa convenience store kaya paniguradong matagal ‘tong pila. Habang naglilibot sa bawat stall ay may nabangga akong babae. 

“Hala miss, sorry po.” 

“No, no it's fine.” She smiled at me and I only gave her an apologetic look.

“Looking for a suitable diaper for a child?”

“P—Po?”

Ngumuso siya sa gilid namin at doon ko lang napansin ang ibig nitong sabihin. 

Ka agad naman akong umiling saka saliwang tumawa. “Wala pa po akong anak?” I mentally slapped myself dahil sa tono ng sagot ko at maging siya ay natawa rin.

Akala niya siguro naghahanap ako ng pangangailangan ng bata. Jusko. Stress lang ako teh. Wala akong anak. Ni hindi ko nga makuha-kuha yung gusto kong maging baby, anak pa kaya.


“Good to know. Mas bagay ka kasing maging baby kesa magka-anak.” She extended her hand. “Shanise by the way.”

Did she just compliment me?  I blinked twice, staring at her hand and face back-and-forth. Bakit parang ang sagwa pakinggan?

Tila nabasa niya ang nasa utak ko at mabilis na umiling. “No, I don't mean to insult you or what. I was just wondering kung inutusan kang bumili para sa pamangkin mo.” 

Okay teh, sabi mo eh.

I did not shake her hand. “Ylana.” And respond with an uninterested voice, before walking past her.

“H–Hey, miss!” She pushes her cart and walks beside me. “I’m sorry, I didn't mean to—”

“Insult me? Okay.”

Obsession Where stories live. Discover now