YLANA’S POV:
“Ugh! Ayoko talaga sa usok ng sigarilyo!”
“Edi lumayo ka sakin! Kaloka naman ‘to!”
Mataray na hanablot ni Tiffany ang sigarilyo sa kamay ni Noel saka ito tinapon. Aangal pa sana siya ngunit naka-taas na ang kamay ni Tiffany, akmang sasampalin siya. “Oh ano?! Sige!”
Lihim akong natawa sa kanilang dalawa bago sinulyapan si Kath sa harap ko na tahimik na nagmamasid sa paligid habang umiinom.
“Hey, Yannie! Want some?” Alex nudged me, offering two shots of vodka. Siya kasi ngayon ang katabi ko or should I say, tumabi sa akin. Since Katherine doesn’t want others to know between us yet, so si Zebliah ang katabi niya.
I saw Kath’s eyes slid from Alex’s hands before looking at me. So I gave Alex a forced smile and shook my head. “Medyo marami na akong nainom eh. Besides, I’m staying sober so I can drive us home.” Ngumuso ako sa direksyon ni Kath dahilan upang mapatingin din si Alex sa kanya. Habang itong isa naman ay nakatutok na ngayon sa phone niya.
“Ah, ganun ba..”
Three weeks nalang before Christmas at masasabi kong na eenjoy ko ang bawat araw na kasama si Kath. Ang dami naming pinuntahan kahapon magmula nung isang araw. Dinala ko siya sa divisorya, niyaya niya akong mag window shopping, at kumain kami sa may seaside. Almost a week na rin ata magmula nong huling nangyari at okay na kami. Ngayon nga ay dinala niya naman ako sa bar kasama ang mga kaibigan niya.
“Guys! Let us welcome Trisha again!”
It was Tiffany who shouted.
Napatingin kaming lahat sa kasama niya. Lahat sila ay tuwang-tuwa nang makita ang kaibigan nila maliban kay Katherine.
“Trisha!” Tumayo si Alex at lumapit upang hagkan siya.
“OMG! Complete na ulit tayo?!” Noel exclaimed excitedly.
Pinanood ko silang dalawa na nagkatinginan. Nawala ang matamis na ngiti nung Trisha at para bang hindi na siya naninibagong makita si Katherine. Ito namang isa parang hindi maipinta ang mukha. Ano na naman bang meron?
Everyone at the table stares at them. Probably waiting kung ano ang susunod na mangyayari.
“Katherine!” It was their friend, Trisha, who cheerfully broke the awkward staring contest and extended her hand for a handshake.
Hinintay naming magsalita si Katherine pero hindi namin inaasahan ang biglaang pagtayo nito sabay yakap sa kaibigan niya. Napansin ko ang pag sulyap ni Alex sa gawi ko at nang tumama ang paningin namin ay pa-simple itong umiwas.
Naghiyawan ang lahat at maging ako ay nadala rin. Pinakilala nila ako kay Trisha at saglit siyang tumingin sa lalo na kay Kath. Her questioning face gives me a feeling of discomfort. “Katherine’s assistance, Ylana. Ylana, si Trisha, barkada namin.” Pagpapakilala ni Alex sa akin.
Trisha’s eyes, with amusement, look at me and Katherine back and forth. Eyeing us, as if there's something suspicious going on. But of course Katherine being Katherine, she just shrugged it off like nothing. Syempre ganun din ang ginagawa ko para hindi halata.
Or at least hindi ko ma-feel na halata.
Mas mabuti na yun. Mas importante kung ano ang iisipin ko. Bahala silang mag-isip tungkol samin.
“Barkada namin yang si Trisha. Close na talaga sila ni Kathy matagal na. So don't be surprised kung maging maingay yang boss mo ngayon.” Pahiwatig ni Alex sa akin habang pinagmamasdan namin pareho si Katherine at Trisha na masayang nag-uusap.
