YLANA'S POV:“Ka–Kath?, I’m sorry sa mga sinabi ko.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makitang umiiyak nga talaga siya.
Hindi ko alam ang gagawin. Nagsisimula na ring manginig ang mga kamay ko.
I held her shoulders and slowly tap it. Wala siyang sinabi, patuloy din ang hikbi niya ng nakayuko kaya tinanggal ko ang seatbelt at umusog palapit sa kanya.
“Ano po ba kasi ang bumabagabag dyan sa isip mo?” I softly asked. “Pwede mo namang sabihin sakin eh. ‘Wag mong idaan sa init ng ulo. Nandito ako, oh?” Ngunit wala akong narinig na sagot galing sa kanya.
I tried to hug her and to my surprised, she didn’t protest kaya tumagal ng ganun ang posisyon namin ng ilang minuto.
Nakayakap ako sa kanya habang marahang hinahagod ang likod nito. I even tucked her hair behind her ears saka pinunasan ang luya sa mga mata niya.
“Pasensya na po talaga. Akala ko kasi made-disgrasya na tayo. Ayaw ko rin kasing may mangyaring masama satin.”
She still hasn’t said anything yet so I continued to shove away the tension by gently talking. I tried affirming her while stroking my fingers on her hair. But then again, to my surprise, she snaked her arms around me and snuggled her face on my left shoulder.
Hindi ako marunong mag comfort ng tao, pero hahayaan ko kung saan siya komportable.
Kung tutuusin, mas matanda pa nga si Katherine kaysa sakin. Pero ngayon, para siyang batang takot. Tipong ayaw umamin ng ginawa niyang mali kaya nagtatago.
“It’s okay, Kath. It’s fine.” I assured her. Nang mapansing tumigil na ang pag-iyak niya ay muli kong binasag ang katahimikan. “Do you wanna talk about it or we stay a little bit longer like this until you’re finally okay?”
Bumulong siya sa garalgal na boses.
“I’ll choose the latter.”I leaned on the car’s door and she slowly crawled over me. Ramdam ko rin ang pagsiksik niya sakin kaya pinabayaan mo lang.
“I’m planning to buy an ice cream sana, kaso ayaw mo pala sa matatamis.” We stayed like that until she decided to speak.
“I like cookies and cream.” She said with a raspy voice. She then turned her back and leaned on me. “How about you?”
I stared at her amusedly. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong narinig ko yun galing sa kanya o ano eh. “Sure. Umusog ka muna.” Natatawang pahintulot ko. “May kabigatan din pala ang payat na gaya mo?”
Mas lalo akong natuwa nang makatanggap ng irap galing sa kanya. Yan, yan ang malditang kilala ko.
She started driving again hanggang sa makarating kami sa isang 24/7 open na convenience store. Inutusan niya akong maiwan sa loob ng sasakyan bago siya mag-isang umalis. Pagbalik niya ay may dala na itong plastic bag.
“Bakit ang dami naman ata nyan?”
Sinilip ko ang mga laman habang isa-isa niyang nilabas. “You want this?” She showed me something but I declined. “How about this?” She gave me a magnum. “I won't take no as an answer.”
We ate in her BMW na naka-park malapit lang din sa convenience store.
“Here.” She handed me an envelope this time. “Take that as an advanced payment.”
Binuksan ko ang envelope at naglalaman ito ng pera na mahigit kumulang thirty thousand.
Magsasalita pa sana ako pero tumaas na ang isang kilay niya. “Take it, dummy.”