14.

22 1 6
                                    

YALANA’S POV:


“Magkano ang sweldo mo?”

Napa-irap ako sa hangin dahil sa tanong niya. “Pinapakabahan mo naman ako, Thirdy. Bwisit ka talaga!”

“Unless you're expecting something?”

“Ang hilig mo talagang mang-inis, ‘no?” Sinamaan ko ulit siya ng tingin sabay irap. “Actually hindi ko pa nga rin alam. Pero madalas akong binibilhan ng mga damit ni Ma’am Kath sa tuwing lalabas kami.”

“Uy talaga?”

“nakakahiya nga eh. Kaso magagalit din naman siya ‘pag tinanggihan ko.”

Dumating si Nica at umupo rin sa tabi ni Thirdy. “Anong ganap at bakit nakatulog ‘tong si Mariel sa kwento mo, Yana?"

“Kanina pa tulog 'yan. Naubos ata ang social battery sa sagutan niyong dalawa.”

Natawa ako sa biro ni Thirdy kaya agad naman siyang nakatanggap ng hampas kay Nica. “ ‘To naman napak-abusive.”

“Abusive mo mukha mo!” Sabay irap niya pa. “Nga pala Yana, akala ko ba pinapa-alis kana rito ni Mr Chavez?”

Sinara ko ang libro at humarap sa kanila.
“Bakit ako paaalisin ni Mr. Chavez e apartment ko ‘to?”

“Akala ko ba gusto ka nilang do'n tumira sa bahay nila?” Naguguluhang tanong ni Nica.

“Pinapatira lang siya dun. Hindi pinapalayas dito.”

Bakas ang gulat sa mukha ni Thirdy habang nakatingin na sakin. “Binilhan ka rin ba ng mga gadgets? Iphone? Macbook?”

Mabilis na lumaki ang mga mata ni Nica. “Anong gadget—te-teka ano bang ganap?”

“Itong kaibigan kasi natin palaging binibilhan ng mga gamit ng boss niya kaya nagtatanong ako kung binilhan din ba siya ng Iphone.”

“Talaga, Ylana?”

Napa-halukipkip ako sa sunod-sunod na tanong nila. “Ano ba kayo? Boss ko yung tao, hindi sponsor. Mahiya naman kayo!”

“Pero binilhan ka nga?”

“Oo na, Nica! Mga damit nga. Minsan polo, madalas dress—-”

“Patingin.”

“Wala rito, iniwan ko lahat sa loob ng cabinet sa guestroom nila.”

“E kelan ka ba babalik dun? Paalala ko lang na hindi ka irregular student, Yana ha? At Lunes na bukas.”

“Yun pa nga eh. Ilang araw akong hindi makaka-pagtrabaho simula bukas.” Napakamot batok ako habang iniisip kung paano ako haharap sa kanya. " 'Di ko alam paano sasabihin kay Miss Katherine."

“Alam mo, curious ako anong klase ng trabaho ba ang pinapagawa sayo ng pamangkin si sir at masyado atang special?”

“E malamang kumpanya nila yung pinag-uusapan. Ewan ko nga kung bakit pinagkatiwalaan ako tungkol dun.”

“Pinamana say—-”

“Hindi.” Putol ko. “Tanga ka ba? Kumpanya at pera nila yun ipapamana lang saking nagtatrabaho? Mag-isip ka nga.”

“Sakit mo naman magsalita e nag-iisip nga ako. ‘Diba yun minsan ang nangyayari sa mga teleserye?”

“Mukha bang teleserye ‘tong buhay natin?” Angal ko pa. “Nakaka-umay naman ng plot kung ganun.”

“Delulu ka talaga, Thirdy.”

“Isa kapa, Nica, e nangangarap ka nga magka-mansyon dati.”

“Gago! Oh e ano naman ngayon? Tangina mo sinasama mo na naman ang pangarap ko sa bulok mong reyalidad.”

Obsession Where stories live. Discover now