KATHERINE'S POV;
****
We arrived at Zebliah’s penthouse almost an hour ago and we're currently here sa loob ng sariling conference room niya. Hindi ko nga alam sa tangang ‘to kung bakit sa laki nitong penthouse e dito pa talaga naisipang pumasok sa conference room. I thought we're having a party? Bakit parang meeting ata ‘to?
“You really have a unique taste when it comes to parties, Zeb.” Pamimilosopo ko habang nakangiwing tiningnan ang paligid. “Are we gonna cancel it naba?.” I asked bago pasalampak na umupo sa mesa.
She gave me a thug smile. “I thought we had something to talk about?” She slid a glance outside the tinted sliding window before looking at me again. “Akala ko ba umalis ka sa inyo para takasan ang problema mo. Oh eh ba't parang sumama ata?”
Bahagyang natawa ang lahat sa sinabi niya.
Funny.
“Hindi kana nagkaroon ng peace of mind, Kathy.” Tiffany seconded, causing everyone to tease me even more.
“ ‘Wag ka nga, Tiff!” Malokong saway ni Noel.
Here we go again…
Napa-irap nalang ako sa hangin para sa mga sasabihin niya. “Siya nga yung peace of mind ni Kathy, in-denial lang yung kaibigan natin kaya mukhang stress yan ngayon.”
Sabi na ngaba. Isa rin ‘to eh!
“Can you guys stop? Nakakairita!” Maktol ko dahilan upang muli na naman silang matawa.
“Hindi rin naman tatagal yan. Hintayin nalang nating umuwi.”
“Kawawa yan kakahintay satin sa labas.” Napatitig sila sa gawi ni Ylana habang patingin-tingin sa paligid at mapasensyang naghihintay. “Pauwiin mo na lang kase, Kathy.” Ani Tiffany.
“Bago pa ako umalis, pinagsasabihan ko na siya nang ilang beses.” I rolled my eyes. “But she's hardheaded! So I let her.”
“Tama ba ang narinig ko?” Umaktong nagulat si Noel sabay lapat ng kamay sa dibdib na parang timang. “Kelan pa bumaba yang pride mo? E kahit kami nga hindi ka mapilit ‘pag ikaw na nag desisyong hindi eh.”
“What do you mean you let her? Baka gusto mo rin sigurong nandyan siya?” Nakangising tanong naman ni Zebliah.
“Can we just stop talking about her?” I glared at them.
“But she's the main reason why you gathered us here, ‘diba?”
“How many times to I have to repeat myself ma cancel dapat ‘to?”
“Bago pa man kayo magsabunutan dyan, may tatalakayin muna ako tungkol sa kumpanya namin.” Ani Zebliah na nagpatigil samin. “I'll be asking your opinion mamaya.
***
“It doesn't make any sense, Zeb. Paano nangyari yun?”
“Duh? Of course may ahas sa kompanya nila, Tiff. The question is, sino?” Si Noel na naka-taas ang dalawang paa sa lamesa.
We talked about Zebliah’s position in their company and also those possible snitch na may intensyon sa ibang investors din nila na pwedeng umagrabyado sa shares. It's been decades pero mukhang wala pa ata silang ganang tapusin ang usapan. Well, it's not that I'm not concerned sa topic. Sadyang may mas pino-problema lang din talaga ako ngayon.
I glanced at the tinted sliding window to see if nandun pa si Ylana sa labas, and tama nga ako. Bakas sa itsura niya ang pagka-inip at dinadaan nalang sa cellphone ang bagot.
