31.

294 7 0
                                    




YLANA’S POV:





“Sayang, hindi ako naka-cheat kanina.” Panghihinayang ni Andy habang nakapila na kami sa hallway.

“So sinasabi mong hindi ka talaga nagbibiro kanina at kung may pagkakataon ka, you‘re going to cheat? Seriously, Andriana?”


“Omsim!” 


“Ewan ko sayo, may sipon sa utak!.”


Nagsimula kaming magtanungan ng mga kaklase ko tungkol sa test paper. Ilan sa kanila nahirapan mag solve sa backpage. Sumang-ayon naman ako dahil totoo naman talagang mahirap. Mabuti nalang at nakatulong ang tinuro ni Alex sa akin kaya kahit paano ay natapos ko.


“Ilan yung sagot ninyo?”


“I think it’s two point eight.”


“Sakin three point four.”


“Uy, same! Ganun din sagot ko.”


“Bakit magkaiba ang sa inyo?”


“What formula did you use?”


They started asking and babbling about their answers. 

“Ylana, ilan ang sagot mo?” Tanong naman ni Maddy sa akin nang muli akong bumalik sa pwesto.


“Two point eight din.” 


“Really?” Parang hindi makapaniwala na tanong niya.


“Oo, bakit?”


“We have the same answers!” She jumped happily. “Thank goodness may kapareho ako.”


“Hindi nga ako sigurado kung tama yun e.” Kamot batok na sagot ko sa kanya. “Medyo kinapos pa ng konte ang isang oras.”

“Okay na yun. At least may kasama akong same wrong answer. Thank goodness!”

Baliw ang isang ‘to.

She then nudged me before pointing at Andy. “Tanungin mo nga sagot niya.” 

“Andy, ano sagot mo?”

“Two-hundred sixty five.” Nakatulalang sagot niya dahilan upang matawa kami ng katabi ko.


Mga baliw.

“Hindi ba’t nakalagay na dun na isama mo yung point?” Naguguluhang tanong ni Maddy. “Haler? Obvious na yun.”


“Hindi ko nabasa.” Wala sa sariling sagot niya.


“Pinairal mo na naman kasi ang kabobohan mo, ayan tuloy!” Kantyaw pa ni Maddy ngunit hindi siya nito pinansin.


Nang matapos ang oras ay pinapasok ulit kami sa loob upang kumuha ng pangalawang exam. 

Sa sobrang pag-iisip kung tama ba lahat ng solvings ko kanina ay hindi na ako nagkaroon ng oras mag review sa second subject. Kaya nang dumating ang test paper ay napahilot na lang ako ng sintido.




*****



Natapos ang oras at sa kabutihang palad ay naka-survive ako. The exam was more on numerations which made me confused dahil sa bwisit na short-term memory loss ko. Ilang ulit din akong nagpalit ng sagot at binasa ng ilang beses ang bawat tanong. I thank Miss Margaux for allowing us to use pencils before finalizing the answers.


Obsession Where stories live. Discover now