35.

22 0 0
                                    




YLANA’S POV:





“We're you avoiding me?”

“Hi–Hindi kita iniiwasan, Kath.”

“Look at you. Ni hindi mo nga ako kayang tingnan ng maayos sa mata.”

Bakit ba sa tuwing nakikipagtalo siya sa akin, nawawalan ako ng gana makipag-usap? Bakit sa tuwing tumataas ng boses niya kahit konte, kinakabahan agad ako? Ano ba ang nangyayari sakin?

“Kath, hindi kita iniiwasan.” Humugot ako ng lakas na titigan siya. “Hindi ko lang inakalang susunduin mo talaga ako.” Paliwanag ko.


“Dahil pa ba ‘to sa nangyari noong nakaraan? Ylana, I told you.” Marahas niyang hinampas ang manibela sabay mura. “Tang ina naman, ilang beses ba dapat ako mag sorry para makalimutan mo yun?!”

Agad na umiba ang ekspresyon ko sa biglaan ding pagtaas ng boses niya.


I wasn't expecting that. I wasn't even thinking about her sorry. Tyaka hindi ko naman talaga siya iniiwasan ah? In fact, hindi ko na nga pinansin yung nangyari noong nakaraan. Bakit ba ang hilig niyang manghila ng mga bagay bagay?


Magsisimula lang siya ng pagtatalo eh.

“You hate me, don't you? Galit ka pa rin ba sa mga ginagawa ko?” Sarkastiko siyang tumawa. “I bet you like Alex more than me now, huh? Bakit, sinisiraan niya ba ako sayo?!” Singhal pa nito.


“Ba—--” Napa-buntong hininga na lamang ako sa mga maling paratang niya.

Bakit ko ba pinapatulan ‘to?


“Kath, you don't have to shout.” I tried my best to stay calm as possible. Ayokong sabayan ang init ng ulo niya.


Sa kabila ng mga nangyari, nirerespeto ko parin siya bilang boss ko. That's the least think I could put in mind upang hindi ako tuluyang mawala sa kontrol.


I don't wanna raise my voice at her nor disrespect her. Kasi alam kung sa oras na hayaan ko ang sarili kong magalit, makakapagsabi lang ako ng mga salitang pagsisisihan ko rin. ‘Yan ang iniingatan ko.

So even if she keeps on bragging about her false accusations towards me, hindi ko gustong makipagtalo sa kanya.


“Hindi mo ako kailangang sigawan dahil nakakaintindi ako. At hindi…” Pinilit ko ang sariling ngumiti sa kanya, nang sa ganun ay malaman niyang wala akong balak makipag-away. “Hindi kita iniiwasan. Wala akong problema sayo, Kath. Kahit hindi pa man mag sorry, naiintindihan parin kita.”


Tumaas na naman ang isang kilay niya bago pasimpleng iniwas ang tingin sa akin. Naka-krus na rin ang mga braso nito na para bang walang pakialam. Ngunit alam kung nakikinig siya sa mga susunod na sasabihin ko.

“Hindi ako galit. Wala akong dapat ikagalit, Kath.”


“Liar.” She replied without even looking at me.


“Fine. Kahit papano ay meron din akong karapatan sa mga maling paratang mo.” Our gaze finally met, and she's sending me sharp looks. “Pero kung tutuusin, pwede namang palampasin yun eh. Okay lang saken.”


“So you're mad nga?”

Umiling ako.


“Then why were you avoiding me?”


“I'm not.” I raised both of my hands above my chest in defeat. “I promise.”

Her face relaxed, leaning closer.
“Ylana, you're wet.”

Obsession Where stories live. Discover now