YLANA’S POV:
“Huy, Ylana anong tinutulala mo dyan? Ang putla mo oh, okay kalang ba?” Tinapik ako ni Andy kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.
“H-ha?”
“We still have four hours before our last subject today, gusto mo bang sumama samin sa canteen?” Aya pa niya habang nakangiti pero magalang kong tinanggihan. “Sigurado kaba?” Muli akong tumango kaya nagpaalam nalang sila ng iba pa para umalis.
Ilang minuto na lang mag a-alas dyes na ngunit hindi pa ako kumakain mula kanina. Hindi pa naman kumakalam ang sikmura ko kaya okay pa ako.
Na lowbat kasi yung phone ko kagabi kaya walang alarm na gumising. Buti nalang nakarating parin ako on time. Dagdagan pa yung sinabi sa akin ng professor namin na marami na raw akong missed activities and absences.
“Hey! have you seen—oh, ayun pala. Yana!”
Lumingon sako sa pintuan kung nasaan si Maddy. “Dali!” Dagdag niya pa kaya kahit bagot ay nakuha ko pang tumawa ng mahina.Ano na naman kaya ang meron?
“Bakit?”
“Have you seen the post sa page ng university?”
“Hindi pa, bakit?”
“Posted na ang final names ng qualified for the interview sa scholarship.”
“Ta–Talaga?” Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. “Nakita mo ba ang pangalan ko?” Mabilis kong kinuha ang phone at ni-check ang page.
“Uhm, just double check it. Humina kasi ang signal ko kanina eh.” Saad niya.
I looked for my name pero hindi ko makita. I scrolled until I reached the last batch pero wala pa rin talaga ang pangalan ko. “Ito na ba lahat?”
“I heard yan na raw eh.”
Napatitig ako sa sahig. “B-But maybe may second batch pa, right Andy?” Dun ko lang napansin na nakabalik na rin pala si Andy.
“Pero nakasaad dito na last na raw.” Walang ganang sambit ko saka kumuha ng bag. “Hindi ko maintindihan bakit kailangan pa nilang ulitin ang mga pangalan eh. Mula first year nasali na ako eh, ba't ganun?” Nakasimangot na tanong ko sa kanila habang naglalakad.
“Yeah, right? I'm also confused, Yana.”
“Ikaw Andy, nakita mo ba yung pangalan mo?” Pareho kaming nag-apply pero dahil sa kaba ko kanina hindi ko namalayan ang apelyido niya.
“I–uhm… Hindi mo ba nakita yung name ko?”
Tumingala ako ng konti upang salubungin ang tingin niya.
This may sound selfish but I somehow feel relieved. “Hindi ka rin ba pumasa?”
“I passed.” She stared at me apologetically. “I’m sorry, Yana.”
I want her to pass—No, I want us to pass actually. Ayokong maging toxic, “Anong sorry ka dyan? Sira kaba? Congratulations! Alam kong kaya mo naman yun eh.”
Pero naiinggit ako.
Masaya ako para sa kanya, pero may parte talaga sa loob ko na dismayado.
Kinalabit ni Maggy ang braso ko. “ ‘Diba hindi ka pa kumakain? Labas kaya muna tayo and buy ice cream after?”
“Treat ko na ice cream.” Dagdag naman ni Andy.
Hindi siya pinansin ni Maddy kaya ngumiti ako ng pilit. “Pass na lang siguro muna ako. May activities pa akong kailangan asikasuhin. Saka, hahanapin ko pa si Mr. Laurel.”
![](https://img.wattpad.com/cover/359778564-288-k515490.jpg)