29.

18 1 0
                                    



YLANA’S POV:




Martes ngayong araw at wala akong ibang dapat gawin maliban sa pagtutok ng mga kailangan aralin. Ang kaso, imbes na alas otso ay tanghali na ako gumising. Nakakabwisit nga eh.

Good thing I messaged Sir Asera last night and he said I have nothing to worry sa subject niya.

Napag isip-isip ko ang mga nangyayari sa buhay ko noong nakaraang linggo hanggang kahapon, pakiramdam ko kinakakapitan talaga ako ng kahihiyan eh. Last time kay Ashley, tapos kahapon naman sila Katherine and Alex.

I asked for friends and opportunities, yes. Pero hindi naman yung may kahihiyang kambal.

Napa-buntong hininga nalang ako bago kinuha ang cellphone sa lamesa. Magpapa-tugtog nalang ako habang nag re-review. Nang sa ganun, hindi ako ma bagot.

Pero imbis na maka-focus ay mas lalo lang naging sagabal ang cellphone ko. I was scrolling through the screen ng makatanggap ako ng ilang notifications. Most of these are from facebook and messenger. I scrolled up until I saw an instagram message at hinagip nito ang atensyon ko so I checked it.

Hey, Ylana. I know this may sound stupid but I wanna talk to you kung when ka free.

That was the message from Ashley that I’ve read.

Nakalimutan kong friends pala kami sa IG. Ang mas nakakagulat pa e, yung green circle from her myday.

I darted my eyes at the ceiling to think. Anong ire-reply ko rito? Iniisip ko pa nga lang ang mga nangyari noong gabing yun, kumukulo na ang dugo ko.


I put down my phone and continued to study again. I should not be distracted by her message. Hayaan ko na lang siguro sa ngayon ang sarili ko na gawin kung ano ang mas importante.


I wasn’t sure how much time I spent sitting here while reading and writing all the pointers from different subjects. Pero natigil lang ako nang tumawag si Alex.

Hindi mahirap pakisamahan si Alex. Actually, mahahalata mo naman agad sa unang kita palang na she’s really approachable. In fact, mas magugulat ka nga na ang isang mayaman, mala-anghel, at matalinong  kagaya niya e magkaka-interes na kaibiganin ako.

She also asked for my IG account and number yesterday para raw mas ma reach out niya ako.



“Am I allowed ba pumasok?” Tanong niya sa tapat ng pintuan ko pagkatapos tumawag na pupunta pala siya rito.

Pabiro ko siyang inirapan sabay kamot ng ulo. “Papaalisin pa ba kita e may pahintulot ka naman sa landlord?”

She laughs awkwardly bago inangat ang mga dalang eco bags. “Kumain kana ba?” Kaya hindi ko tuloy napigilang matawa.


Pinapasok ko si Alex sa loob at nadatnan niya rin ang mga kalat sa mesa. Maging ang kama ko ay hindi pa na ayos. Nakakahiya tuloy na nandito siya.

“Pasensya kana sa kalat. Ikaw kasi e, pabigla-bigla ka kung dadalaw.” Pinasadahan ko siya ng titig habang nilalatag niya ang mga dala sa kusina.


“Luh?” Binalingan niya ako sabay aka-arko ng mga kilay. “I texted you kaya, last night pa.”


“Hating gabi na yun. Tyaka, hindi ko naman inakalang pupunta ka talaga.” Depensa ko naman.

Lumapit siya sakin ng may nakaka-lokong ngisi na naman sa labi niya. “Then I guess, you should take me seriously.” Kumindat pa ito bago humiga sa kama.

Obsession Where stories live. Discover now