16.

398 15 3
                                    

YLANA’S POV:



“Okay kalang ba?” Bahagyang lumingon sakin si Thirdy at hinantay akong maglakad.

“May iniisip lang.”

Inakbayan niya ako sabay sipol. “Hindi ka naman siguro titigil sa pag-aaral, diba?”

“Yun nga ang problema ko. Ayokong tumigil sa pag-aaral kaya kailangang may pagkukunan ako ng tustos sa tuition.”

Pumasok muna kami sa 7/11 upang kumain. Hindi pa kasi kami nag-aalmusal.

Huwebes ngayon, at tuwing hapon pa ang klase naming dalawa. Sila Nica at Mariel kasi may dalawang subjects sa umaga kaya sabay na lang kami ni Thirdy na pupunta sa subdivision ngayon.

Kumuha siya ng dalawang cup noodles at shopao saka nagbayad. Pagbalik niya ay muli kaming nag-usap. 5:30 AM palang din naman kaya may thirty minutes pa kami.

“Huwag kang mag-alala. Ilang linggo nalang second sem na. Pwede kana ulit mag apply sa ilang scholarship.”

“Paano kung hindi ako pumasa?”

“Anak ng teteng naman oh. Sa talino mong yan hindi ka papasa?”

“Meron naman atang lakad system yan eh.”

Napakamot siya ng ulo sabay hikab. “Ewan ko sayo, Yana. Gulo mo kausap.” Nagsimula siyang kumain kaya ganun nalang din ang ginawa ko. “Kaya nga susubukan eh.” Bulong pa niya.

Kahit anong pangungumbinsi niya sakin, ‘di ko parin maiwasang paghinaan ng loob. Okay naman ‘tong pinasukan kong trabaho. Pero hanggang kailan? Hindi dapat ako umasa sa ganito lang.

*****


Nandito na ako ngayon sa loob ng gate nila Mr. Chavez. Ang sabi kasi ni Ma’am Kath saken, dito nalang daw ako maghintay. Wala akong alam kung anong plano niya ngayon. Basta ang sigurado ako, malupitang araw na naman 'to.

“Nagkape kana ba, kuya?”

“Tapos na po, sir.”

Mabilis akong lumingon sa nag-uusap. Agad namang lumaki ang mga mata ko sa lalaking nakasuot ng compression T-shirt at jogging pants.

Si Marvin ba yan?

Nabaling ang atensyon niya sakin kaya mabilis akong umiwas ng titig. Nakakahiya, sa abs niya pa naman ako tumititig.

“Hey, hey.” Pansin kong palapit siya sakin.

Hala yung mukha ko. Okay ba ang suot ko? Tangina nakakahiya.

“Ikaw ba yung katulong ni Kath?”

“P-po?” Talong beses akong kumurap sa tanong niya.

Katulong?

“I bet it’s you nga.” Ayan na naman yung ngiti niya. Kitang kita yung dimples.
Ano ba!

Hindi niya rin kaya ako natatandaan?

“I’m Marvin nga pala. What’s your name?”

“Ang aga-aga hinaharot mo yan.”

Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Si Ma’am Kath.

Pasimple akong umatras at baka kung ano na naman ang pumasok sa isip niya. Kinausap nga lang ako nitong pinsan niya harot na raw.

“Good morning po, ma’am." Mahinanon ngunit kinakabahang bati ko.

As usual hindi niya ako pinansin. Patay na naman ako nito. Maaga pang umiinit ang ulo niya.

“Kathy.” Hindi parin umaalis ang mapalad na ngiti sa mukha ni Marvin. “Saan ang lakad ninyo?”

Obsession Where stories live. Discover now