YLANA’S POV:“Manood naman tayo ng sine!”
“Kelan?”
“Next Saturday? Wala namang klase eh.”
“Pass, babalik ako sa campus nyan. May panggagamitan kasi ako ng computer sa librabry.” Ani Mariel.
“Ano ka ba, teh? Ang hilig hilig mong mag-aral, alipin ka ba ng edukasyon?” kantyaw ni Thirdy sa kanya.
“Nakakatakot kasing maging mangmang, tingnan mo yang sarili mo. Panget na nga pati character development paurong pa.”
Pakiramdam ko ay mabibingi na naman ako sa lakas ng halakhak ni Nikka sa kanila. Tarantadong bunganga talaga yan, kahit saang lumapop ng Pilipinas ibagay, hindi napapagod.
Hinampas ko ang braso nito at agad naman akong nakatanggap ng matulis na titig. “ ‘Pag tayo sumabak sa the quiet place, tagilid buhay nating apat sayo, Nikka. Ang ingay ng bibig mo!”
Naka-upo kami ngayon sa isang outdoor coffee shop na malapit sa cathedral habang nagkukwentuhan. Linggo naman ngayon at walang trabaho ang lahat.
Limang araw ma rin ang nakakalipas magmula nong moment namin ni Kath sa Parke. At Sa loob din ng limang araw na yun ay palagi na siyang busy.
Sa tuwing nasasagi sa isip ko’y napapangiti na lamang ako. She must be very busy hanggang ngayon. What if kumain kami sa labas mamaya? Papayag kaya siya?
“Guard, may baliw dito!”
Sigaw ni Nikka sabay hampas sa batok ko. “Ang lalim naman, bossing. Anong meron?”Kamot ulo ako habang nakangiti sa kanilang tatlo.
“Luh gago. First time batukan ng nakangiti. Nikka ‘wag mo ng ulitin baka nasira na nga ulo yan.”
“Baka tanga mode on lang, Third. Inlove ata.” Pareho silang natawa kaya humalukipkip ako.
“ ‘Pag niyaya ba kayong mag dinner date, papayag kayo?”
“Ay, shalaa. Syempre naman! Libre eh.”
“That’s romantic.”
“Tsk! Mga babae nga naman.” Umiling si Thirdy bago sinimot ang natira niyang kape.
“We don't accept broke men’s opinion.”
“Nako Nikka nangdidilim paningin ko sayo baka ‘di kita matancha.” Umakto pa itong sasabunutan si Nikka ngunit bumelat lang ang kaharap niya.
Napa-face palm nalang ako nang magsimula na naman silang magbatuhan ng insulto sa isa’t-isa.
“Don’t mind them.” Binuhat ni Mariel ang upuan niya palapit sa akin. “Bakit, may nag-aya ba sayo?” Normal lang ang tono ng tanong niya ngunit mababasa mo sa mga mata nitong nagagalak malaman kung meron nga.
“Uhm…wala naman.” Bahagya akong natawa. “Gusto ko lang malaman anong feeling. Ikaw ba? ‘pag ba may nagsabing mag date kayo, matutuwa kaba?”
“Well, what do you think?” She nicely asked pero alam ko namang may pagka-sarkastiko ito. Oo nga naman ,Ylana. Muntanga lang?
“Hindi ka naman siguro manhid para hindi makiliti ‘yang puso mo sa kilig, ‘diba?”This time, si Mariel naman ang natawa. “Lalo na kapag gusto mo rin yung tao, syempre matutuwa ka at papayag.”
Then I should ask her later.
“Hoy! Ano kayo-kayo lang? Para sa’n pa’t naging grupo tayo kung hanggang sa inyo lang din yung chismis?” Agad kaming nagkatinginan sa umaaangal na si Nikka.

YOU ARE READING
Obsession
Любовные романыYou think most relationships last? Well here's how it goes...