07.

25 2 2
                                    

YLANA’S POV:


“Inom tayo.”

“Po?”

“Kakasabi ko lang pong hindi ako mahilig tumungga ng alak.”

“How old are you?” Tumigil siya sa pagkain at taas kilay akong tingnan.

“Nineteen po.”

“Hindi kana minor, and can you stop saying po?”

“Si–sige po—este, sige ma'am, kung saan kayo komportable.”

Muli na naman kaming binalot ng nakakailang na katahimikan hanggang sa tumayo siya at may kinuha sa ref. Binilisan ko rin ang pagkain saka naisipang linisin ang mesa. Nakakahiya naman kung tatayo lang ako e nakikain na nga lang ako rito.

“You know I'm only twenty-five.”

Bigla ko siyang nilingon habang nagpupunas ng mesa. Nakasandal na siya sa may kitchen counter habang nanonood sa ginagawa ko.

“Po?” Hindi ko naman siya tinanong ah?

“I love to drink but I hate parties. Just me and liquors, alone.” She crossed her arms, shifting her gaze on the wall.

Ang hilig talagang gumanyan.

Astig din pala ang isang 'to eh. Kung tinatanong minsan hindi sumasagot, tapos ngayon magsasalita na lang bigla.

“Ah ganun po ba? Saan ko po pala 'to ilalagay?” Pag-iiba ko nang usapan. Wala naman kasi akong maisagot sa sinabi niya eh.

“Just put them there, may taga-ligpit kami rito.”

“Okay lang po, ma'am. Mabilis lang naman eh.”

“Kath.” Nilagpasan niya ako at naunang maglakad. “Call me Kath and leave the dishes alone.”

Naiwan ako sa kitchen nila kaya naghugas nalang ako nang mga kamay at hinintay muna siya sandali pero hindi na bumaba kaya sumunod na ako sa taas.

Bago pa man ako kumatok sa pinto ay bumukas na ito. “Follow me.” Nakabihis na ulit siya ng pambahay at halatang nakapag-ayos na rin.

We headed to another room kung saan makikita ang mga bookshelves . May kalakihan ang kwartong 'to pero wala kang ibang makikita maliban sa mga paintings na nakasabit, dalawang mahabang sofa sa magkabilang banta, at matibay na burning log.

Meron siyang kinapa sa pagitan ng mga libro dahilan upang tumagilid ang isang book shelves na isa palang pinto at sumilip samin ang isa pang kwarto.

“Get inside.” Dun ko lang napagtanto na hinihintay niya na pala akong pumasok.

I scanned the whole room. Halos lahat ng sulok merong mga nakahilerang alak. Bawat pwesto magkakaiba at may nakalagay sa pangalan upang hindi ka malito sa mga ito.

I stared in awe as I took a seat next to the counter.

“Fascinating, isn't it?” She asked with a sly smirk. “Tingnan natin kung hindi kapa maakit sa mga nakikita mo.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin?”

“You can choose whatever drink you wanna taste here. It's free.”

Nagsimula na siyang pumili at uminom habang ako naman nakatingin lang sa iba't-ibang mga bote.

Ganito ba talaga ‘pag mayaman? Parte na rin kaya ‘to nang routine nila?

Nauna siyang uminom. Sa katunayan, siya lang talaga ang umiinom at naka-ilang subok na siya ng iba’t-ibang alak.

Hinayaan ko lang siyang uminom at magpakalasing, baka sakaling payagan niya pa akong umuwi.

Obsession Where stories live. Discover now