YLANA'S POV:
"I dare you to kiss me, Ylana."
Nagbibiro pa rin ba siya?
"Seryoso ka ba?" Nalilito ko siyang hinarap. "Bakit?"Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa kalokohan niya.
She looked at me and shrugged. "I couldn't think of anything else." Sumandal din siya sa gilid ng kotse habang nakabulsa ang dalawang kamay sa suot na jacket. "Just a random dare. Come on, where's the harm?" She gives me a challenging grin kaya napa-irap ako sa hangin.
Dare pala ah.
She was guard down so I took that chance to grab her jacket and sealed her lips with a kiss. I made it seconds longer para malaman niyang hindi ako umaatras sa hamon.
I, then slowly pulled away. "You better not challenge me, Katherine." Saka siya iniwang nakatulala.
Well, that's strange. She wasn't my first kiss but I haven't kissed any girl and felt absolutely normal after. I guess that was just a dare afterall, so there's nothing much to do with it.
What a night...
*****
"That happened?"
"Yuh, that happened."
Kumakain kami ngayon ni Thirdy sa parke. "Hanggang ngayon 'di ko nga rin alam kung bakit niya binigay sakin 'to." Sabay kaming napatingin sa pick-up na nasa harap namin. "Pero para sakin, siya talaga ang tatay na hindi ako nagkaroon, Ylana. Alam mo yun?"
Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Ang bait ni Mr. Chavez, 'no?"
Kakatapos lang naming magsimba. Busy kasi yung dalawa para sa palapit na exam dahil mas nauna ang schedules nila. This Wednesday na rin yung schedule namin at kakaunti lang ang pinag-aralan ko pero nakalimutan ko na rin yata agad.
"Kamusta naman yung trabaho mo?"
Naalala ko ulit ang nangyari kagabi ngunit agad ko namang winaksi ang iniisip. "Ayos lang." Nagkaroon ako ng ideya kaya napatanong ako sa kanya. "Nga pala, magkano ang sahod mo?"
"Six thousand for startings. Labas nga lang yung kain at tip syempre."
Anim na libo?
"Mahirap ba ang trabaho mo?" Pag-uusisa ko.
"Minsan. Lalo na kapag hindi ako gaanong pamilyar sa mga kailangang galawin kapag nag-aayos. Pero overall, halos pare-pareho lang naman ang parts ng sasakyan. Upgraded yung iba, syempre, pero ganun parin yun." Pahiwatig niya. "Ikaw ba? Kamusta ang sahod mo? Inaapi ka pa rin ba nong boss mo?"
"Ah, hindi na. Tyaka, natural lang naman sa babae ang pagiging maldita eh." Napatingin ako sa ilang punong kahoy habang nakangiti. "Naiintindihan ko siya."
"Mabuti kung ganun. Oh, paano? Alis na tayo? Kailangan ko rin kasing mag-aral eh."
Sumakay kami sa pick-up niya. Balita ko ginawaran siya ng driver's licence ni Mr. Chavez na kinatuwa ko rin. Masaya ako para kay Thirdy. Actually, masaya ako para sa mga kaibigan ko.
Hinatid niya ako sa labas ng apartment bago magpaalam.
Siguro ay mag-aaral na din ako. Sayang ang oras, may hinahabol pa akong grado.
Nagluto muna ako ng pagkain saka nilabas ang mga notes na ginawa ko kagabi. Tatlong subjects lang naman sa Miyerkules kaya uunahin ko muna yun.
I put my earpods on and started studying for hours. I don't care how much time I consumed, basta makatapos lang ako nang kahit dalawang subjects. As usual, mula prelim hanggang endterm ang topic kaya masasabi kong mabigat-bigat na parusa 'to. Magpupuyat na naman ako.