36

202 6 0
                                    



YLANA'S POV:





"Kung ganun po pala, bumisita sila sa probinsya?"


"Oo neng." Nakangiting sagot ni Lola Glenda. "Kaya pala panay ang silip mo rito kanina. Hinahanap mo ba sila?"

Kamot ulo akong tumango. "Ahh, opo."


Maaga akong nagising kahit mamayang hapon pa ang exam ko. Napag-isipang ko kasing tumulong sa paghahanda ng almusal nang sa ganun, paggising ni Kath, kakain na lang siya. Isa pa, mababagot lang ako kung mananatili akong walang gagawin dito.

Matagal na palang naninilbihan dito si Lola Glenda. Hindi ko lang siya nakita noong unang punta namin dahil apat na buwan siyang pinag bakasyon ni Mr. Chavez. At ngayong bumalik na siya, yung mga kilalang katulong ko naman rito ang pinayagan ni Mr. Chavez.

Sinabi niya ring maging sila manong guard ay nagbakasyon din. So ngayon, sila naman ang nandito.

"Ito nga pala si Cecil." Pakilala niya sa isang naglilinis. "Pwede mo siya tawaging Aleng Cecil. Siya ang tagalinis dito."

"Magandang umaga po"

"Magandang umaga, hija."

"Yung nasa labas naman na nagdidilig ng mga halaman ay si Isabel."

"Iisang probinsya lang po ba kayo?"

"Hindi, neng. Pero matagal na kaming magkakilala." Binalik niya ang manok sa ref kaya sumunod naman ako. "Tyaka, 'pag lumabas ka mamaya, Si Kuya Bimbo mo naman ang gwardya ro'n sa gate."


Kumuha ako ng malinis na pamunas at nagsimulang punasan ang mga plato. "Anong oras po ba usually nagigising si Ma'am Kath?"


"Nako neng, hindi pareho ang oras ng gising at uwi niyan kamakailan pa." Ani Lola Cecil. "Palagi ngang bilin ni Sir Chavez na gisingin sila nang maaga upang mag-almusal, pero hindi naman nakikinig."


"Nge? Bakit po?"

"Ewan, laging umaalis ng bahay. Nag-aalala nga kami minsan. Lalo na yung pinsan pa niyang si Martin."

"Isa pa, pinaalala naman ni Sir Cedric bago pa man sila lumuwas dito na huwag gagalitin si Madame Kathy. Bugnutin daw kasi eh."

"Nako, mga batang yun talaga oo."


Lihim akong natawa sa sinasabi nila. No wonder palaging bugnutin at may hangin sa utak, e hindi naman pala kumakain sa tamang oras.


"Kami na rito, hija. 'Pagtitimpla na lang kita ng kape. Pwede ka rin maglakad-lakad sa garden kung gusto mo." Ani Aleng Cecil.


"Sige po."


So she's not eating breakfast these past few days?

Siguro palagi siyang busy. Pero sa anong bagay?


"Neng.." Inilahad ni Aling Cecil ang tasa ng kape at plato ng cookies. "Sandali lang ha? Maya-maya luto na ang almusal."

Ngumiti ako bago siya bumalik sa kusina.

Mabuti talaga at mababait ang mga kasambahay dito.

Ilang sandali pa ay nagpaalam akong lumabas pagkatapos magkape.

"Ate, magandang umaga po." Bati ko sa babaeng sinasabi ni Lola Cecil na si Tiya Isabel.

"Magandang umaga, nak. Kanina kapa ba gising?"

Obsession Where stories live. Discover now