YLANA’S POV:
“Close ba kayo ni Ma'am Kath?”
“Not really. Nagsasalita lang naman kasi siya kung tinatanong o kaya naman may nais sabihin. But she’s nice naman.”
Si Ma'am Katherine? Tahimik at mabait? Duda ako dyan, kapatid...
She's the loudest and most attitude person I’ve ever known. Lalo na tuwing wala siya sa mood.
“Nando’n pala sila. Tara?” She unconsciously held my wrist while walking back to the same spot where I left Ma’am Kath. “Hey guys!”
“Uy, Ley! Hali ka rito.”
“Sino yang—oh, Ylana?” Nagkatinginan silang lahat, maging si Ma'am Kath nilingon din ako.
“Do you know each other?” Tanong ng lalaking kaibigan din nila.
“Hi, Sir Noel!” Yes, she's my friend.” Nakangiting pakilala sa akin ni Ashley sa kanila.
Napansin kong tumaas ang isang kilay ni Ma'am Kath bago ako inirapan.
Hindi man lang na kunsensya pagkatapos akong hayaan ng mahigit Isang sras sa labas. Ang tigas naman ng puso niya.
“Join us!” The guy smiled. “Here, Ylana.”
Binigyan niya rin ako ng upuan pero kinuha nung babaeng kung hindi ako nagkakamali, Alexandra ang pangalan.
“Dito sakin, Ylana. May space rito sa tabi ko.” Ilang segundong pabalik-balik ang tingin ko kay Ashley at sa kanya. “Ayaw mo ba?” dagdag pa nito.
Tinignan ko si Ashley ngunit imbis na pigilan ako, siya pa mismo ang sumenyas na umupo ako sa tabi ni Alexandra. “ 'Wag kang mailang, we’re not gonna bite you.” Bulong pa niya sa tenga ko.
“Harap harapang paglandi, Alex? Seryoso ka ba?” Natatawang tanong ng kasama nila. “Mahiya ka naman sa boss n'yan.”
Pa simple kong sinulyapan si Ma'am Kath at ka agad akong naka-tanggap ng matatalim niyang titig kaya bigla rin akong umiwas.
Hindi ata nakakatulong ‘to eh. Pakiramdam ko mas magagalit lang siya sakin mamaya.
Now everyone in this circle is looking at me.
May mas malala pa ba rito? Kasi kung oo, ayoko na. Gusto ko na lang magpalamon sa upuan.
After few drinks, they started talking with each other again, except this girl beside me. She keeps babling and asking questions sakin na hindi ko naman gaanong maintidihan dahil masyado na akong napa-praning sa pares ng matang nakamasid sakin.
“Hey, are you listening?”
“P–po?”
“Sabi ko nga.” Kumuha si Alexandra nang beer bago ulit ako binalingan. “Alam mo, kasing edad mo yung kapatid ko.”
Nilapit ko nang konte ang mukha ko sa tenga niya. “May kapatid ka pala?!” Mas lalong lumakas kasi ng ingay sa paligid at kailangan din naming lakasan ang boses upang marinig ang isa’t-isa.
“I do!” She replied excitedly. “She's in college now!”
“lang taon na ba siya?!” Sa kauna-unahang pagkakataon, nawala ang pagka-ilang ko sa kanya, dahilan upang mas lalo siyang nagka-interes na magkwento sakin.