42.

408 11 2
                                        


YLANA’S POV:




Nakangiti kong pinagmamasdan si Kath na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Niyaya nila ako ngunit mas pinili ko na lamang umupo rito sa kabilang lamesa.

They're having fun and laughing at each other's jokes. Although hindi ko gaanong naririnig ang usapan dahil sa pinaghalong ingay ng tugtog at tawa, masaya parin ako.

Masaya akong nag-eenjoy siya.

Matapos ang nangyari kanina sa restroom ay buong akala ko silent mode na naman si Kath. 

Mas lalo pa akong nakampante noong nagsimula siyang makipag-kwentuhan at asaran kila Sir Noel nang hindi iniisip ang presensya ko. Usually kasi hindi si Katherine madaldal kapag nasa paligid ako. Ewan ko ba. Buti ngayon okay na.

Katherine is very composed. But when you pay close attention, she's also too self-conscious. 

I'm glad she's enjoying herself without minding me here sa gedli.

“Taking shots alone, huh?”

Nagulat ako sa biglaang paglapat ng kamay nang taong nagsalita sa bandang batok ko.

“There you are, Alexandra!” Ulat ni Sir Noel habang tinuturo ang taong nasa likuran ko.

“Why are you fucking late, Alex?!” Animo’y galit na tanong naman ni Ma'am Tiffany bago patakbong lumapit sa pwesto ko.

I quickly turned my head to face Alex na may malapad na ngiti sa mukha habang nakatingin na sa akin. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya nila Sir Noel, bagkos ay ngumuso ito sa akin sabay tawa.

“Alex?” 

Akala ko ba hindi siya updated?

“You're here!” She giggles, extending her arms para yakapin ako. “Ba’t parang nakakkita ka naman ng multo dyan?” Biro pa nito bago ako niyakap nang mahigpit.

Napasinghap ako sabay tayo upang hagkan din siya pabalik.

“Hooy ano yan?! Madaya ka Alexandra ha!” Pinilit akong nilayo ni Ma'am Tiffany mula sa pagkakayakap ni Alex. “Jusko teh! Bitawan mo si Ylana. Parang gusto mo ata siyang isako sa higpit nang mga braso mo eh.”

Natawa kami pareho kasabay nang paglapit din nilang lahat. 

Mas lalo tuloy akong natuwa dahil nandito si Alex. Maliban kay Katherine, si Alex ang pinaka-magaang kausap sa kanilang lahat.  Yung parang matagal mo ng siyang tropa para makipag-daldalan. Alam niyo yun? Komportable rin siyang ka-asaran. Ewan ko ba bakit super proud akong close kami ni Engineer Alex. 

But my thoughts were interrupted nang maalala si Kath. So I immediately withdrew from the crowd and looked for her. 

Nandun pala siya sa pwesto nila kanina kasama si Zebliah. Napansin kong kinakausap siya nito ngunit tila ang layo na naman ng iniisip.

I knew it.

Siguro nagtatampo siya kay Zebliah dahil inimbita nito si Engineer Alex…

Nagtataka na nga ako kung ano ba talaga ang issue nila eh. Sa tagal kaya nilang magkaibigan ganun nalang ba ka lalim ang tampuhan nila sa isa't-isa? 

I once heard from their conversation before na parang aso’t pusa lang sila kaya normal nalang daw ang pagbabangayan.

But from what I've noticed, it's not just a childlike fight. Parang nakikipagsabayan lang sila for the sake of their friend group pero deep inside meron talaga silang tampuhan. Kasi kung wala, eh bakit hindi niya sinalubong ‘tong si Alex o kahit binati man lang?

Obsession Where stories live. Discover now