33.

11 0 0
                                    



YLANA’S POV:



“I'm sorry for her behavior, Yannie. She's naturally impulsive.” Natatawang sabi ni Alex.

Kinuwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa mga natanggap kong messages ni Kath mula kagabi, kaya ganun na lang siya kung humingi ng dispensa.


“Ganun naman talaga siya. ‘Yaan mo na.” Dagdag ko rin.

Maliban sa suot kanina ni Kath ay masinsinan ko ring pinasadahan ng titig ang suot ni Alex. Ang hinhin niya ngayon tingnan ah. Looking good in green...Parang kakulay ng ugali niya.


“I know you're looking.” She smirks, staring at me. “Alam ko namang stunning ako, but please don't look at me like that. Nakakahiya.” May halong biro na pagkakasabi niya dahilan upang matawa rin ako.

“Actually, you looked really adorable with your clothes.” Pag-amin ko habang naka-taas baba ang mga kilay..

Sa kabila ng palitan namin ng tawa, napansin kong namumula ang magkabilang pisngi niya.


“Sakin ka pa talaga nahiya? E ako nga dapat ang ma—-”


“Nah, nah, quit this and that. Ano ka ba?” She scoffed. “I'm willing naman eh.” I heard her edgy laugh before she shook her head. “No biggie, trust me.”


Alex suddenly stretched, extending her arms in the air, causing me to get a perfect sight of her flat tummy. She even moaned before starting the engine and pulling the steering wheel.

Grabe ha, nilalandi ba ako nang isang 'to?


But in fairness, ang hot ni Ate Engineer Alex...


May kabagalan ang byahe namin dahil kagaya nga ng iniisip ko kanina, aabutan kami ng traffic.

At tama nga ako.


Mabuti na lang kahit papaano ay nabawasan ang inip ko sa mga kung ano anong nakakatawa na kwento ni Alex. Ang dami niya talagang baon.


Kung saan-saan na napunta ang usapan habang panay ang tawa.



“But as I've said, Yannie, if it makes you uncomfortable at night, and confused in broad daylight,” She paused, squinting her eyes while pointing her index finger at me. “You should probably run.” She then laughed.


“Poem ba yan?”

Pero tama nga naman siya, ngunit imbis na makisabay ay ka agad namang may pumasok sa utak ko.


“What's with that face?” She recoiled, looking at me weirdly. “Don't tell me may nagpapasaya ngayon sa puso mo?” Panunukso niya pa habang nagmamaneho ng kotse.

“Wala ‘no.” Pabirong irap ko. “Pakiramdam ko nga ilang dekada na akong hindi nakakaranas ng kilig na yan.”

“Asus.”

“Uy, totoo.” Bahagya akong natawa habang naka-tuon ang paningin sa harap. “And I don't think I'll be able to experience love again.”


“Nah, who knows? Baka nga nasa paligid mo lang yan nagbubulag-bulagan kalang.”


“Sira, anong nasa paligid e wala ngang nagpapatibok nitong puso ko. Nagpapa-pintig siguro ng ugat sa ulo meron pa.”


Humalakhak si Alex sa sinabi ko. “Loko.”


“Tyaka, kay na yung crush crush lang. Dun pa nga lang nabo-broken na ako e.”


Obsession Where stories live. Discover now