YLANA’S POV:
Weeks passed and the same cycle goes on. Ma’am Katherine being Ma’am Katherine most of the time. She skips her responsibilities lalo na kung tinatamad siya. Shopping rito shopping doon. Inom dito, inom doon. Minsan nga kapag tinanong ako ni Mr. Chavez tungkol sa kanya nakakapag sinungaling pa ako ng wala sa oras. Lalo na sa tuwing wala siya sa mood, madalas ako ang gumagawa nang kailangan n’yang asikasuhin.
Nung una nataranta pa ako kung paano simulan o kaya naman gawin ang mga tambak na papeles niya.
Nakakapagod at mahirap, pero mas mahirap pa rin talaga siyang basahin kumpara sa mga papeles na pinapa-gawa niya. Ngunit kahit ganun, bilib talaga ako sa ugali niya. She can be hyper-independent, yung tipong dapat lahat ng bagay at gagawin niya naka-ayon sa plano lang din niya.
She's excellent, and goal-driven too.
And to tell you, I became more comfortable with Ma’am Katherine’s mood swings, her sarcastic vibe, and especially when she’s mad. Sanay na ako sa mga irap niya.
Little by little I find it amusing. Kahit pa ata sigawan niya ako sa galit ngingiti pa rin ako. Siguro dahil nasanay na ako sa ugali niya? O baka meron talagang kakaiba kay Ma'am Kath na ngayon ko lang mas nadiskubre.
“Mahilig ka ba talagang matulala?” I came back to my senses when she asked. Saka niya ako taas babang tinignan. “Bumili ka nga ng damit para may maisuot ka mamaya.”
“Libre mo?” Biro ko. “Aalis na naman ba tayo? Hindi ba’t ibinilin ni Mr. Chavez na asikasuhin mo muna yung schedules mo sa kompanya, nang sa ganun hindi naghihintay sa wala yung ibang professionals sayo.”
“Sino ba ang inutusan niya?”
“Ako.”
“Then it's your responsibility to fix my schedules.” She laughs. “Assistant kita, ‘diba?” Rolling her eyes playfully.
Nasapo ko nalang ang noo ko sa isa na namang makabuluhang sagot galing sa kanya.
“Kaya nga tinatanong kita eh. Kung saan man ang balak mo ngayong puntahan, i-cancel mo na yan dahil may dadaluhan kang meeting.” Pahiwatig ko sa kanya pero isang irap lang ang nakuha ko.
“Whatever, we're leaving together.” May kinuha siya sa loob ng wallet nito saka hinagis sakin.
“Wow ha?”
“She shrugged then flipped her hair. “Kung sesermonan mo rin naman ako kahit na malinaw sating dalawa na hindi ikaw ang boss dito, I might at least make tito disappointed at the both of us.”
Mas lalo lang tumaas ang mga kilay ko nang mapagtantong debit card niya pala ito.
“If the boss is going down, the follower goes with her.”
“Nagpapatawa ka ba? E salungat nga ako sa mga pinagsasabi mo.” Muli kong tinignan ang hawak na card. “Seryoso ba ‘to?”
“Hindi. Actually ikakaltas ko yan sa sweldo mo.” She taunted, rolling her eyes. “At kung pwede mag dress ka naman. Para kasing personal body guard ang aura mo everytime na aalis tayo.”
“Thank you, I’ll take that as compliment. Tyaka, wag na. Hindi ako mahilig mag suot ng dress at hindi naman ako sasama.”
“Anong hindi?” Sumampa ang dalawang kamay niya sa lamesa. “Sasama ka.”
Walang gana akong humiga sa kama niya. “Kung aalis tayo, hindi mo matatapos yung mga kailangang pinapagawa sayo ni Mr. Chavez. At alam kong ma di-dissapoint siya sakin kasi ako dapat ang nag-aasikaso nito para ma simulan mo agad.”
YOU ARE READING
Obsession
Storie d'amoreYou think most relationships last? Well here's how it goes...