YLANA’S POV:
“Seryoso kaba, Alex?”
Napanganga ako sa babaeng kaharap ko ngayon—-hindi, sa kotse ng babaeng kaharap ko ngayon.
“Yup.” She nodded slowly, before flashing a wide, thug smile.
Napansin kong dumami ang mga taong nakatingin sa kanya. Marami ring palihim na kumukuha ng picture sa kotse nito. Paano ba naman e, magdadala talaga ng sports car.
“Wow... Siya ba ang boss mo, Ylana?” Manghang tanong ng landlord namin kaya napa-iling ako. “Hindi po. Siya po si Engineer Alex.” Pagpapakilala ko.
Lumapit din sa amin si Alex saka kinuha ng sling bag ko. “I told you na ihahatid kita, diba?”
Ngumiti pa ito sa ilang tenants kaya pinanlisikan ko siya ng mga mata. Napansin ko rin ang mahinang usap-usapan ng mga nasa likuran ko bago pa man may tumulak sakin. “Go na ghurl.” Bulong pa ni Tesa na nasa kabilang kwarto ko lang din.
Binuksan ni Alex ang pinto ng kanyang kotse para sa akin at kumaway naman ako kila Tesa bago pumasok.
“Did I embarrass you or something?” She asked in the most tender way possible.
“Hi–Hindi.” Nauutal na sagot ko nang bigla niyang inilagay ang seatbelt sa akin ng may pag-ingat. “Alex, ka–kaya ko naman.”
She looks at me with concern, feeling bad for what she thought was a wrong move. “Oh…I’m sorry, Yannie.” She scratched her next.
I saw her gulp.
She then leaned backwards and cleared her throat. “I guess ihahatid na kita, baka ma late kapa.” Pag-iiba niya ng usapan.
“I should thank you, ate.”
“Stop calling me ate, oh my gosh. Parang magka-edad lang kaya tayo sabi ng ilan eh.”
Bahagya akong tumawa sa sinabi niya.
“Kanino mo naman narinig yan?”“Narinig ko saaa…” Tumigil siya at halatang nag-iisip pa ng susunod na isasagot. “Tabi-tabi.”
“Bagay ka naman tawaging ate e, you’re matured enough to be called one.” I replied, getting my bag beside me.
“ ‘Wag na. Tyaka, mas gusto kong naririnig mismo ang pangalan ko galing sa bibig mo.” Nagpa-cute pa siya sa akin bago binalik ang tingin sa daan. “But aside from that, there’s another name you can call me all you want naman e.”
“Ano na naman yan?”
Muli niya akong tiningnan bago napa-halakhak. “ O bakit parang nagsasawa na yang ekspresyon mo sa’kin? Ikaw palang ang kauna-unahang nabagot sa mga jokes ko, you know that?”
“Nagbibiro ka pala?”
“Not unless you start to take me seriously, then it’s not.”
Pinigilan kong ‘wag madala sa tawa niya at ibinalik ang unang tanong. “Ano nga yun?”
Natigilan ito sa pagtawa at bahagya pang nagulat. “Oh…sorry. A–Akala ko—pero Totoo naman kasing kung seryosohin mo ang isang bagay edi hindi na magiging biro yun.”
“Dami mong lusot!” Hindi ko mapigilang ngumiti magusot na paliwanag niya. “Sini-seryoso naman kita ah.” Kagat ko sa mga biro niya.
“What do you mean?” Biglang nagkasalubong ang mga kilay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/359778564-288-k515490.jpg)