YLANA’S POV:
“Yannie, what are you—-oh, Kathy?” Alex opened the door and saw us.
Tumikhim ako sabay ayos ng suot. “Na—nandito rin pala si Kath, Alex? Ba’t hindi mo naman sinabi sakin?” Sa sobrang kaba ko ay tanging sahig at ding ding lang ang kaya kong titigan.
“Ay oo pala, I forgot. Actually ngayon ko lang din siya nakita eh. You know magkasama tayong naglibot-libot kanina diba?” Pumasok siya sa loob kasabay nito ang paglapat ng kamay niya sa bewang ko. “Tinawag ako kanina sa stage, got my award and did a little speech.” Dun ko lang napansin ang hawak niyang acrylic trophy.
“Congratulations, Engineer Alex.” I mumbled.
“Thanks!” Her voice was a little soft and raspy. Napansin ko rin ang amoy ng alak sa kanya ng hagkan ako.
Sa harap ni Kath.
Oo. Sa harap nitong parang dragon na babae.
“Aren’t you gonna greet me, Kathy?” Alex pouted, “I just received an award oh.” Sabay taas sa tropeyong hawak.
Isang irap ang binigay ni Katherine sa kanya. “Grats.”
Napanganga ako sa sagot niya. Grats? Ano yun? Daig pa ice sa sobrang cold.
“Aww, sweet naman.” Alex chuckles. “Anyway, nag uusap ba kayo?”
“Ay buti na tanong mo?”
I mentally slapped my face. This girl is so blunt. Wala talagang pinipiling oras ‘pag sinumpong si Katherine ng pagkamaldita niya.
Tahimik naman akong nagpapasalamat nang hindi iyon pinansin ni Alex.
“That's nice. Sorry to interrupt. I will just wait sayo sa labas, Yannie.” Kumalas siya sa pagkakayakap sa bewang ko.
She then left.
“Too nervous?” Mapang-asar na tanong ni Katherine habang ako naman ay bahagyang natulala sa nakasarang pintuan. “Buti nga wala ka pang lipstick stain.”
I looked at myself in the mirror before licking my lower lip. “Kath, kailangan ko ng bumalik. You can go back at the—-”
“Huwag mo akong utusan.” Ma-awtoridad na sagot niya.
“Okay sige. Pero uuwi na kami.”
“Do I have to repeat myself, Ylana?”
I turned to look at her in confusion. “Hindi kita gets, Kath.”
She groaned in annoyance before rolling her eyes. “I said, sakin ka sasama.”
“But—-”
“The heck! Ayokong parang sirang plaka tayo rito, Ylana ha.” That hostile stare. Not a good sign.
I sighed in defeat. “Okay sige. Magpapaalam lang ako Kay Alex.”
Muli niya akong inirapan bago sumenyas na lumabas. Nadatnan naming wala na si Alex kaya bumalik kami sa event hall upang hanapin siya.
I saw her at one of the tables with her other colleagues so I excused myself.“Hey, Alex. Pwede ba kitang makausap?”
Her glossy eyes met mine as her lips formed into a curve. “Sure, my love.” I can also smell the liquor from her. That's when I knew she's drunk.
Sandali lang naman akong nawala ah? Lasing na agad siya?
Nilingon ko si Kath ngunit nakabalik na ito sa lamesa kung saan sila naka-upo ni Evangelo. I can’t leave Alex here. Kailangan kong makausap si Katherine. Pabalik-balik ang sulyap ko sa pwesto niya sa pag-aakalang tingin ito ngunit hindi. She’s just busy talking with the others.
