18.

340 17 2
                                    

YLANA’S POV:




“Close pala kayo ni Ashley Villegas?”

“Hindi naman sa ganun. Nagkataon lang na sinama ako ni Ma’am Kath sa party ng kapatid niya at doon ko siya nakilala.” Sinundan ko nang tingin si Ashley hanggang sa maka-alis siya sa gym. “I was not even expecting that she’s that...famous?”

“Hindi ka ba familiar sa mga Villegas?”

“Kilala ko sila. Pero hindi ko naman akalaing parte siya ng mga negosyanteng Villegas.” Depensa ko naman kay Anddy. “Saka, ano ba ang big deal do’n?”

“Anong hindi e apelyido niya nga yung Villegas?”

“She’s famous. That’s the case.”

Teka lang ba’t parang pinagtutulungan na nila ako?

“Oh tapos?”

Tanging masakit na titig lang ang ibinato nila.

“Ewan ko sayo. Hindi mo man lang kami ipinakilala sa kanya.” Maddy crossed her arms, dropping the topic.

We stayed for another five minutes bago naisipang puntahan si Sir Asera.
Habang naglalakad sa hallway ay muli naming nakasalubong si Ashley.

“Ylana?” She greeted me again with her bubbly aura. “Where are you going?”

“Ipakilala mo naman kami.” Bulong ni Andy sa likod ko na may kasama pang kurot sa kamay.

Napangiwi ako ngunit agad ko namang binalikan ng ngiti si Ashley. “Oh, ano papunta kaming room 103.” Hinatak ko ang dalawa sa ta tabi ko at pinakilala sa kanya. “Nga pala, these are my friends.”

“Andy.” Galak na pakilala nitong katabi ko.

“I’m Maddy. My gosh you’re really gorgeous pala sa personal.” She squealed.

Tama siya, ang ganda ni Ashley. She has dirty blonde hair na ani mo’y may lahing amerikano. Ang kinis din ng mukha niya. Parang hindi talaga nagkaroon ng pimples or even dark marks. Nude lipstick on, long lash extension, and pointed nose. And her nails are so damn clean. I like hygienic people. Sa balat niya palang malalaman mo na talagang maalaga siya sa katawan. Flawless.

Napakurap ako nang sikuhin ni Andy. “Tawag ka.”

Dun ko lang din napansing nakatulala na pala ako.

She’s also staring at me. Despite being awkward with her, she flashes a tender smile. “Ang sabi ko, are you free ba tonight?”

“Huh? Bakit, anong meron?” Nalilitong tanong ko.

Tanga ba ako o sabog lang?

“Gago pumayag ka nalang.” Bulong ni Andy.

“Saan?”

Nakaramdam ako ng kurot sa tagiliran dahilan upang apakan ko ang paa niya.

Ano ba ang problema niya?!

“Guess you're not free, are you?”

“We have to go sa isa naming professor kasi pinatawag si Yana. Sasamahan lang namin. Tapos may last subject pa kami until six.” Si Maddy na ang sumagot. “After that, free time niya na. Right, Yana?”

She raised a brow, giving me a look, kaya napa-oo ako nang wala sa oras.

“That’s nice! So may I invite you sa place ko, Ylana?” Hindi nawawala ang ngiti niya kaya mas nahihirapan akong mag-isip.

Obsession Where stories live. Discover now