02.

37 3 1
                                    


YLANA’S POV:





It's Saturday and we're supposed to be at the restaurant para magtrabaho pero hindi raw muna ngayon magbubukas si Sir Bobby. Wala namang sinabi pero nanghihinayang ako sa oras tyaka sa sweldo rin syempre. Hindi rin naman namin alam kung bakit.


Nakakapagtaka lang.



Maaga pa pero pagod na agad ang katawan ko kakaisip pambayad sa apartment at tuition bago magsimula ang panibagong buwan.



Saan na naman kaya ako raraket nito?


Isa pa, takot akong mangutang kung kani-kanino.



Tinignan ko ang oras sa phone saka naisipang maglinis ng buong kwarto. My eyes grew wider in gladness when I found something inside my mini fridge.


Mabuti nalang talaga may natira pa.



Dali-dali akong nagluto at nagbihis para i-text sila Nica.



pagkatapos kong mag-ayos, ni-lock ko ang apartment saka lumabas. Magkikita raw kasi kami nila Nica sa labas ng subdivision kung saan nakatira si Professor Reyes. Tinawagan niya na rin si Thirdy. Tamang-tama at may ipapa-ayos raw ang kaibigan niya.



Nakilala namin si Professor Reyes last year sa gilid ng Parke habang inaayos ang sasakyan niya. Swerte naman namin at marunong kumalikot ng kotse si Thirdy kaya ayun.
Simula no'n sa tuwing ginigipit kami, sa kanya kami pupunta para makahanap ng raket.



"Asan sila?" Tanong ko kay Mariel sabay beso sakin.


"Good morning, Yanyan. Papunta na raw silang dalawa."


Tinanog namin ang gwardya na nagbabantay sa subdivision. Maging si manong guard e nakakasundo na rin namin. Kilala niya na nga kami eh.


Ilang sandali pa ay may pumarada na puting sasakyan galing sa loob. Sumaludo naman si manong guard pero tumigil ito sa mismong gilid namin at lumabas ang dalawang lalaki na halos magka-edad lang. Isa sa kanila si Professor Reyes.


"Sir, good morning po.”


"Mr. Reyes, good morning po." Masayang pagbati namin ni Mariel.



Hindi pamilyar sa akin ang itsura ng isang lalaki pero sigurado akong magkaibigan sila.


"Kanina pa ba kayo rito?" Tanong ni Professor Reyes.


"Mister Reyeees!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Thirdy kasama si Nica habang tumatakbo sa direksyon namin.


Nang makarating, kahit hinihingal ay nakuha pa nilang bumati habang tumatawa.



Nagkaroon muna nang kamustahan saka nila kami niyayang sumakay sa sasakyan.
Pinakilala niya rin sa amin ang kasama niya.




"Mr. Chavez, dito ka rin po ba nakatira?" Nakangiting tanong ni Nica.



"Brand new ata 'to." Bulong ni Thirdy sakin.



"Hula ko rin." Sabay titig sa buong sulok ng sasakyan.


Inaamin ko marami na akong nakita, nakasabay, at kilalang mayayaman na mga tao kaya hindi na bago sakin. Siguro e humahanga lang kami ni Thirdy sa na abot at titulo nila sa buhay. Sounds the same pero may pinagkaiba talaga para sa akin.



Habang nag-uusap sila sa harap, kaming dalawa ni Thirdy ay meron ding sariling topic dito sa likod.



"Malayo pa ba ang bahay nila o marami lang pasikot-sikot at kinailangan pa sumasakay ng sasakyan?"


Obsession Where stories live. Discover now