08.

19 1 2
                                    

YLANA’S POV:


Nagising ako sa sakit ng likod. Nakatulog pala ako ng hindi maayos ang posisyon. 

Umupo ako sa kama nang malamang wala na si Ma'am Kath.  Mabilis akong tumalon paalis sa kama at hinanap siya. 

Asan din ba yung cellphone ko?! 

Tinawag ko si Ma’am Kath pero walang sumasagot hanggang sa makababa ako at nadatnan siyang nagluluto mag-isa sa kitchen nila.

“Kath? O—Okay kana ba? Bakit ikaw ang nagluluto dyan? Hindi mo man lang ako ginising para ipaghanda kita?” Tarantang sabi ko kaya napa-lingon siya sakin. 

“Oh, you’re awake.” Batid kong may halong pangungutya yung sinabi niya pero hindi ko pinansin. 

“Hindi ba sumasakit ang ulo mo?”

“I’m totally fine. Nagluluto na nga ako nitong almusal natin oh. How about you? Sigurado ka bang hindi ikaw ang napuruhan ng alak satin kagabi?” Bahagya siyang natawa. “Ang himbing kasi nang tulog mo kanina at ang mas pinagtataka ko e dalawa ang kama sa guestroom pero na sa tabi na kita kaninang umaga.” 

Biglang uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Nakakahiya naman kasi eh. Nauna na nga siyang magising tapos siya pa ang nagluluto ng almusal namin. Baka mawalan na talaga ako ng trabaho nang wala sa oras nito.

“A—Ako na dyan.” Prisenta ko.

Bago pa man ako makalapit ay tinutok niya na ang spatula sakin. “I don't need your help. Maupo ka dun.” Utos niya. 

“P-pero—-”

“I don't mind. Kung kailangan ko ang tulong, meron naman kaming tagaluto.”

“E bakit ikaw ang nagluluto ngayon?”

“Para malason kita.” Diretsong sagot niya sabay irap sakin. “Now take your seat and enjoy while you’re still alive.”

Hindi mapigilang tumaas ng kilay ko sa kanya.

Maharlikang mataray na bigla bigla nalang nagsasalita at nawawala sa mood kahit hindi mo naman inaano. Partida may wirdong humor pa yan minsan. Ayos. Sana talaga hindi ako masisante nito. 

“Pwede bang mag CR dito?”

“Pwede, sisindi kaba?”

“Anong pinagsasabi mo? Hindi ako adik.” Seryoso ang boses pero pilyo kung magsalita. 

Ang aga aga kuhang kuha niya na agad ang atensyon ko. 

“Whatever, just walk and turn left. May CR do’n.”

Narinig ko pa siyang tumawa pero hindi na ako lumingon. Ano kayang nasa-utak niya at ang saya niya ngayon? Pakiramdam ko wala rin siyang naaalala kung bakit ako napunta do’n sa kama niya. 

Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Instead, I walked upstairs. Sa CR ako nitong guestroom naghilamos saka niligpit ko na rin ang kama at kinuha ang phone ko bago bumaba.

“What took you so long? Nagugutom na ako.” As usual, magkasalubong na naman ang mga kilay niya habang nakatingin sakin. 

“Inayos ko lang yung kama.” Tipid na sabi ko kaya nagsimula na siyang kumain.

Hindi ko pa nakikitang nagpasalamat si Ma’am Kath bago kumain, ni sign of the cross wala.

“Kath, hindi naman sa pakialamera ako o ano pero,” Nagkatinginan kaming dalawa at hinihintay niya ang sasabihin ko. “Atheist ka ba?”

Nabilaukan siya sa sinabi ko kaya dali-dali akong kumuha ng tubig para sa kanya.

“Tanga ka ba?” Tumikhim siya pagkatapos maka-ubos ng isang baso. “Hindi mo lang ako nakitang nananalangin may assumptions kana agad.” Kung sumagot si Ma'am Kath parang nababasa niya kung ano ang iniisip ko. 

Obsession Where stories live. Discover now