38.

381 9 1
                                        

KATHERINE’S POV:




“You're not deaf, Katherine. Matatapos ko ang exam ng hindi aabot sa isang oras.” Ylana’s eyes grew sharper as her brows almost met in between the center of the edge. Which caught me off guard.

Sino ba siya sa inaakala niya?

“So be back at exactly five dahil sasama ako sayo.”

May pataray pa itong tumalikod saka umalis.

Excuse me?! Where did she get the nerve na kausapin ako nang ganun?

My jaw clenched as I tried my very best para hindi mapasigaw sa inis. And what the fuck was that even mean? Inutusan niya lang na talaga ako?

I looked for a hideous spot to park my car. Isang subject lang naman daw, so hihintayin ko nalang siya. Bwisit!
I'm still mad dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun, so ayokong makita niya na maghihintay nga ako.

Ma pride na kung ma pride, hindi ko siya bibigyan ng motibo na ‘di ko kayang magtiis.
Bakit ba kasi ganyan siya? I hate her. I hate her so much!

Kinuha ko ang phone sa loob ng bag saka tinatawagan si Zebliah, ang kaso, hindi naman sumasagot. That idiot.
So I called another number.

“Tell Zeb I can't come.”

Whuut? Girl, ikaw ang may pakana nito tapos hindi ka pupunta?”

Ang arte talaga ng boses niya. Kairita masyado.

“Nagbago na ang isip ko. Don’t ask why.”

Tangek, e may araw bang hindi ka naiinis? Wala naman, ‘diba?” I scoffed.

Nakakairita. I mean, totoo naman pero required ba talagang ibato sakin?

And now you're denying it? Come on, Kathy. May klase pa nga ako ngayon oh, pero pupunta ako mamaya.”

I groaned in annoyance.
“Then I'm going to cancel it, Tiffany.”

"No, you may not." She said in half laugh. "Zebliah agreed and nakahanda na nga yung venue para mamaya. Besides, tayo-tayo lang naman."

“I know.”

"Don't tell me..."

“Don't tell you what?”

Wala ka ng pera?

“Oh, shut up! Kahit ipag-retire pa kita sa trabaho mo, dyan.” Narinig ko ang malakas niyang halakhak sa kabilang linya kaya napa-irap nalang ako. “I just have one issue.”

Daming ganap ha."

I told her my alibi and she didn't hesitate to disagree.

Screw your excuses, Kathy. See yah later.” Narinig ko bigla ang ingay sa kabilang linya kaya napabuntong hininga na lamang ako. “Mamaya nalang, may klase pa ako.” She then hung up.

Marahas kong hinampas ang steering wheel sabay humugot ng malalim na buntong hininga. Bwisit!

Bakit ba kasi niya naisipang sumama? Kasalanan ni Ylana ‘to. Sa tuwing may ginagawa ako, eepal siya. Even my plans! Nababago sa tuwing nandyan siya.

But honestly, hindi ko rin ma de-deny na I'm starting to look for her presence every time she's not around.

Inaamin ko minsan—--okayy, madalas., sumusobra na ako. Sinasadya ko yun. I know naman na maling punto ang pinaglalaban ko minsan tuwing nagbabangayan kami. Gusto ko kasing makita ang reaksyon niya kapag sumalungat ako. I was surprised when she keeps showing up nga e kahit banatan mo nang ilang beses.

Obsession Where stories live. Discover now