20.

600 23 7
                                        

YLANA'S POV:






“Ma’am Kath?”

“Don't be surprised, I had to save your drunk ass last night.” Walang gana niya akong tinignan saka tinulak pabalik sa loob.

“Te–Teka po, hindi ko maintindihan.”

“Alin? Yung pagdalo mo sa pool party ng kapatid ni Zebby at hindi alam kung anong pwedeng mangyari kapag nalasing ka?” She mocked. “Ylana, think! You don’t even know those people.”

Dumiretso siya sa kitchen counter habang naiwang nakabukas ang bibig ko sa mga sinabi niya. “You brought me here by yourself?” I followed her. “Ikaw rin ba ang nagbihis sakin habang wala akong malay?” Halos magsama na ang mga kilay ko habang tinitignan siyang ilabas ang pagkain sa paper bag.

Ilang segundo pa bago siya sumagot. “I know. You’re welcome.” She shrugged. “Damit mo lang naman at jeans ang hinubad ko. Just be thankful you came home here safe.”

Napakurap ako ng ilang beses at pinasadahan lang siya ng tingin. “May humatak sa akin kagabi. Ikaw ba yun?”

“You remembered?” She asked back, pulling a seat. “May dala ako ritong pagkain, gusto mo ba?”

Hindi ko siya sinagot. Patuloy ko lang siyang tinitigan, analyzing her innocent expression. She then lifted her brows, and when she noticed my face, she rolled her eyes. “Why would you ask that? I didn’t even question your current score with Ashley nor Alex eh.”

“Ano po ba ang ibig mong sabihin?”

“Nothing. Just curious kung bakit ka niyaya ni Ashley sa party kagabi.”

“We became friends.” Well, hindi naman kami magtatawanan ni Ashley kasama ang mga kaibigan niya kung hindi, ‘diba?

“But friends don’t just let each other’s drunk ass sa gilid ng daan. You could be abducted.” She fired back in low monotone.

Hindi ko na naman siya maintindihan. Ano ba ang gusto niyang sabihin? Na masama si Ashley?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga upang ipaliwanag ang nangyari kagabi. Pero syempre hindi siya si Katherine kung magpapatalo lang siya.

“And Alex? Close na pala kayo?” She chuckles humorously. “Take note, baby pa yung endearment ha. That’s pathetic—--”

Saan niya na naman nakita yan?

“Kung iniisip niyo pong aagawin ko ang atensyon nila sa inyo, nagkakamali po kayo. I didn’t mean to hurt you kung inaakala mo pong kakaibiganin ko rin lahat ng kaibigan mo.” I turned my back. “Pasensya na po talaga sa lahat. Hayaan mo po sa susunod ako nalang ang iiwas.”

“Are you dumb?” Napalingon ako sa sagot niya.

She's not looking.

Tahimik lang siyang kumakain habang hawak ang phone sa kabilang kamay. “But you just said you guys are friends now.” She continued, still not giving me a single glance. “That doesn’t make sense. Unless you’re entertaining one of them?”

Ako naman ngayon ang napairap sa tanong niya.

Does she think I’m entertaining Ma'am Alex?

Malabo namang si Ashley ang tinutukoy niya e si Engineer Alexandra lang naman yung baliko sa kanila.

“I’m not and I don’t.” I clarified.

“Perhaps you want something from them.”

Nagsisimula na akong manggigil sa mga paratang niya ha. Saan niya naman napulot yan?!

“Ma’m Kath. Sabihin niyo na po kung ano ang gusto niyong sabihin, basta wala po akong masamang intensyon sa kahit sino sa kanila.” Mahinahon ngunit may pagka-inis na sagot ko.

Ano pa ba ang gusto niyang malaman?

She put her phone on the table and finally looked at me. “Pero may gusto ka ba kay Alexandra?”

She’s too direct. What’s with her?

“I mean, she’s nice and sweet, yes—-"

“Hypothetical question, Ylana.” Putol niya sakin. Sumandal din ito sa kanyang upuan at naka-krus ang mga binti habang seryosong nakatingin sakin.

Naguguluhan man ay tumango ako. “Ano po yun?”

“If there are chances na magkagusto sayo si Alex, sasagutin mo ba siya?” Hindi maalis ang titig niya sa akin kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Seryoso ba talaga siya?

My face formed perplex. “Bakit ko siya sasagutin?”

We stared for maybe a couple of seconds before she showed me a mischievous smile. “Really?”

“Bakit niyo naman po naitanong?”

She looked at her plate for a while. “I see.” Not minding my follow up question.

Ay, umiba yata ang ihip ng hangin sa utak niya.

Nauntog ba ang ulo ng babaeng 'to?
Kani-kanina lang halos hindi ma describe ang itsura nito tapos ngayon parang baliw na nakangisi.

“Sino ba naman po kasi ang sasagot sa taong hindi naman nanligaw, diba?” Patanong na sagot ko pa.


E kahit sino naman ata. Kaya yung iba walang label e hindi marunong manligaw yung taong may gusto.

I was surprised when she looked up at me again with lifted brows, giving me an ‘excuse me?’ look. “What did you just say?” Her expression changed.

“Objectively speaking, Ma’am Alex is a catch. Maraming lalaki o babae ang magkakagusto sa kanya.”

“So you think she’s gorgeous?”

Ayan na naman ang ‘di maipinta ang ekspresyon niya.

“Maganda naman talaga siya e.”

Hindi ako magsisinungaling. Kung tomboy nga lang siguro ako e mahuhulog ako sa kanya. But I prefer men, not those trashy ones but men like Sir Noel. Yun nga lang lalaki rin ang nais.

Those types of men na alam mo talagang wala kang pag-asa, those are my types. It makes my delusions stronger.

“So you like her?” Seryoso ang pagkakatanong nito at bago pa man ako muling sumagot ay nagsalita na naman siya. “You better not, Ylana.” Ganun parin, diretso ang mga tingin sakin na ani mo'y hindi nakikipag biruan. “I know her. Red flag yun, and besides hindi kayo bagay. Wala ka rin namang pag-asa sa kanya.”

Wow ha?

Sinagot ko lang naman po yung tanong niyo, ma’am?

Hindi niya naman ako kailangang atakihin ng ganun. Alam ko naman eh. Status pa nga lang namin sa buhay malabo akong masali sa league nila. Besides, hindi naman ako nangangarap.

“I know naman po.” Maikling sagot ko.

“Do me a favor, Ylana.”
She pointed a chair kaya umupo na lang din ako.

“Po?”

“Stay away from Alex.”





Obsession Where stories live. Discover now