21.

23 1 3
                                    

YLANA'S POV:





“Ano bang ginagawa mo dyan, Yana? Kanina pa kita napapansing busy ah.”

“Ano pa nga ba edi yung mga activities na mamaya ang deadline.” Natatawang sagot ni Thirdy kay Nica. 

Mula alas nuebe pa ng umaga ay nandito na sila sa apartment. Ang iingay nga e, mabuti nalang at kilala na rin sila nang landlord dahil nga matagal na rin ako rito. 

Focus lang ako sa tambak-tambak na mga bondpapers sa lamesa habang yung dalawa naman ay nakahiga sa kama ko. 

“Tulungan niyo nalang kaya si Mariel dun.” Senyas ko nang hindi nakatingin. 

Kailangan kong matapos ‘to bago mag hating gabi. Kung hindi, baka hindi lang scholarship ang malabo kong maabot. Baka pati second semester pa. Goal ko pa naman ang malinis na card, mahirap na’t baka cinco ang ibigay ng mga professors.

“Puro ka siguro procrastinate ‘no?”

Tumabi sakin sa Mariel saka tiningnan ang ilang printed papers na iniba ko. “Notes? Hindi ba’t wala pang schedule ng exam?"

“A week or two isn’t enough. Kailangan kong bawiin ang grado ko, Mariel.” Seryosong sambit ko kaya napatango nalang siya.

Sinabi ko na rin kasi sa kanila ang tungkol sa missed activities and conflicts sa grado ko. Sila Nica na rin ang nag print ng ilang kailangan i-print pati karagdagang gamit. 

Sabado ngayon at sinabi rin ni Ma’am Kath na pwede akong umuwi. Nakakapagtaka lang kasi usually kahit Sabado may pinapagawa siya sakin. Pero mabuti na rin yun at may oras akong tapusin lahat ‘to. 

Kung hindi niyo rin naitatanong, huling klase na lang ang napuntahan ko kahapon. Hindi na kasi ako pina-alis ni Ma’am Kath kaya doon na rin ako nagpalipas ng oras sa condo niya. 

Tinawagan niya na rin daw yung kilala niya na pagsabihan ang prof kong masama lang ang pakiramdam ko.

Oh diba? Maliban sa inutusan niya lang yung ibang professors, nagsinungaling pa siyang masama ang pakiramdam ko.

But despite that, I did not argue with her. Gaya nga nang sabi niya, imbis na magreklamo, magpasalamat nalang daw ako. 

Tumigil lang ako sandali para mananghalian kasama silang tatlo. Ayaw kasi ni Nica na hindi kami sabay kumain, at hindi rin naman papayag si Mariel na magpalipas ako ng gutom. 


Sa dinami-dami ng kamalasang nangyari sa buhay ko, isa lang sila sa ilang swerte na meron ako. 

Lumipas ang tatlong oras ay natapos din ang lahat ng kailangan kong ipasa. 

Sumandal ako sa upuan sabay hikab. 

Inaantok na ako.

Hapon na nang balingan ko silang tatlo, tanging si Thirdy nalang ang gising at may kung anong pinapanood sa cellphone niya. Pasado alas singko na ng hapon ngunit tila wala pa silang balak na bumangon. 

Ang himbing ba naman ng tulog nitong dalawa at naririnig ko rin ang mahinang hilik ni Mariel. 


“Okay na ba?” Tanong ni Thirdy na tinanguan ko.


“Finally.” Kompotable akong humiga sa paanan nila. Maliit man ang space sa kama ay nagawa ko paring makipag-siksikan. “Matutulog na lang din muna siguro ako.”



*****





“ ‘Wag mo kasing pagsamahin, baka magalit siya.”


“Guys ipagluto na lang natin siya ng ulam.”


Obsession Where stories live. Discover now