39.

377 11 0
                                        

YLANA’S POV:


“So saan tayo pupunta?” Tanong ko habang nagmamadaling magbihis.

“Anong tayo? Maiwan ka rito, ‘no.”

Pasalampak akong na upo sa kama. “Akala ko ba okay na?”

“I never said anything.”

Napairap ako sa ere.

Ayan na naman po siya. "Akala ko ba sasama ako?"

“Ewan ko sayo, Ylana.” Kinuha niya ang lipstick saka nilagay sa loob ng maliit niyang bag bago ako pinasadahan nang matalim nitong titig.

Ang maldita talaga.

We headed downstairs saka ako dumiretso sa labas upang hintayin siyang magparada nang sasakyan sa garahe nila. Nang makalabas sa gate ay nagpaalam siya sa kaibigan nitong matutulog kaya agad namang kumunot ang noo ko.

“Ano, sasakay ka ba o magpapa-iwan?”
As usual, mataray na naman ang pagkakatanong niya. Nagtataka man, lihim parin akong ngumisi bago umupo sa passenger seat. “Seat belt?” Hindi ko maiwasang mamula habang kagat labing pinipigilan ang malapad na ngiti bago nilagay ng komportable ang seatbelt. “Good.”

So she's taking me with her nga?

Nang maka-alis kami sa subdivision ay doon lang ako napa-tanong. “Doon pala tayo matutulog?”

“Anong tayo? ‘Diba sabi ko huwag kanang sumama? Tapos ngayon magrereklamo ka dyan.” May kung ano siyang kinalaykay sa maliit niyang bag habang naka-tuon ang atensyon sa daan. Limitado lang ang gamit na pweding ipasok sa ganyang klaseng bag. Bakit parang nahihirapan pa siya sa hinahanap? “Pero pwede ka namang umuwi mamaya kung gusto mo. Ang kaso, wala kang sasakyan pauwi.”

Hindi niya naman kailangang iparinig sakin na hindi niya ako ihahatid kahit sa labasan lang, ‘diba? “Sino ba nagsabing aalis ako mamaya?”

“Ikaw ang bahala.”

Yun ang huling sinabi niya bago namuo ang katahimikan sa loob ng kotse. Hindi naman sa gusto kong kausapin ako ni Kath habang nagmamaneho ha? Pero kasi pakiramdam ko hindi niya talaga kinikilala ang presensya ko. Parang wala lang, ta’s parang mag-isa lang talaga siya ngayon sa loob ng kotse. Sinasadya niya ba ‘to? Wala ba talaga siyang balak kumausap sa akin o seryoso talaga siyang hindi siya pabor na sumama ako?

Tangina bakit ba ako nag o-overthink?! E talaga namang ayaw niya akong isama, ako lang nakikipagsiksikan sa sarili ko.

Inikot-ikot ko nalang ang mata sa loob at napagtantong Mercedes ang dala niya ngayon.

Alam niyo ba minsan, I hate the way she thinks compliments are the least thing people could say about her but, she looks hot while driving. Hindi na ako magsasalita, paniguradong mas lalaki na naman ang ulo niya. Siya pa ba?

Pasimple akong sumilip sa gawi niya nang hindi ginagalaw ang ulo ko. Mukhang komportable naman siya habang ako napa-praning na rito. Tila nakadikit na ang likod ko sa upuan at maging ang kanina ko pa hawak-hawak na panyo ang siyang nilalaro ko nalang nang sa ganun ay mabaling ang atensyon ko.

Why am I acting strangely again? Ano na naman ba’ng meron sa kanya?

I took another peek, and this time, I noticed the necklace she's wearing.  Wait…yan ba yung kwintas na pinapasuot ko sa kanya last time na ayaw niyang suotin? Oh, eh, bakit nandyan yan ngayon nakasabit sa leeg niga?

I thought she said flowers are lame?

The pendant looks like a cosmos flower, and it suits her very well. Pero todo tanggi siya nung sinabi kong suotin niya. Anyare? People change?



Obsession Where stories live. Discover now