YLANA’S POV:“Wolfgang?” Magkasalubong ang mga kilay na tanong ko.
“I know. My bad. Dapat dinner kita dinala rito.”
Nagpapatawa ba siya?
“Ano, tara na?” Niyaya niya ako sa loob at nagsimulang mag order. “Sabihin mo lang ang gusto mo.”
Paano yan e indecisive ako?
“Kung ano na lang din po ang sa inyo.”
She pulled a seat for me before hers so I mouthed thank you.
Hanep ah.
Wala pa naman siyang nakakain mula kanina. Ano kayang meron sa isang 'to ngayon? Naninibago ako ha. Something’s fishy.
“Let’s try this, okay lang ba?” Turo niya sa menu.
“Kahit ano po.” Tipid na sagot ko habang pasimpleng nagmamasid sa paligid.
This is my first time dining here kaya medyo naninibago Ako. Although sanay naman ako sa mga ganitong restaurant dahil sa marami na rin naman akong napagtrabahuan, ngunit iba parin kung ikaw na mismo ang kakain.
The waiter wrote our order and left.
“We used to eat dinner here with my cousins.” She smiles. “Minsan na rin kaming kumain dito together with my fam.”
“That’s nice.”
“Yeah. And my dad would always, as in always niyang nilalagyan ng extra steak yung plate ko.” She looks at the table. “Tapos ipapaubos niya pa yan kahit ayaw ko.” Her smile turns scornful.
“Ang sweet kaya nun. Bawal din tanggihan ang grasya ‘no.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ko. Pero totoo namang bawal tanggihan ang grasya. Lola told me.
“Yup. I acted na naiinis even though ayoko rin tanggihan si papa.” Umiling siya at mahinang natawa.
Tanging tango nalang ang nagawa ko habang tiningnan siya.
She has long eyelashes. Ang ganda rin ng mga mata niya. She has light make-up, too. Making her to look even more naturally beautiful.
“Alam mo bang mataas din ang tingin ko sa kanya? He was a very responsible father.”
“Kaya nga responsable ka rin, ‘diba?” Nakangiting tanong ko.
Maingat ang mga salitang bini-bitawan ko. Sa pagkakaalam ko kasi, tragic daw ang nangyari sa papa niya. Now I wonder why she has the gut to tell something about him.
“I hope he’s proud of me.” She finally met my gaze. And I can sense that she’s asking for approval.
“He is.” I nodded slightly. “Your dad is proud of you, Ma’am Katherine.”
Lunch went well at nagkaroon pa kami ng oras magkwentuhan. To be honest, kahit medyo naninibago, mas komportable sa ganitong ugali niya. Muntik ko pang maibuga yung cocktail nang makita ang bill namin. She assured me not to worry pero teh, napanganga nalang ako sa babaeng 'to.
“Mabuti at nagustuhan mo lahat ng order natin.” Paninimula niya habang papunta kami ng kotse.
Paanong hindi e ang mahal nun?
“Thank you so much talaga, ma’am.” Nahihiyang pasasalamat ko.
“Not a big deal.” She shrugged.
Parang wala lang talaga sa kanya yung twenty-eight thousand na gastos.
Hinatid niya rin ako sa apartment. Kahit di naman kalayuan ang university, pinasakay niya parin ako.

YOU ARE READING
Obsession
Любовные романыYou think most relationships last? Well here's how it goes...