YLANA’S POV:
It's been fifteen minutes and her order came. "Here's yours." Marami siyang na-order pero nawalan ata ako nang gana sa sinabi niya kanina. "Hindi ka ba nagugutom?"
"Ma'am Kath, I still have something to do at the university. Kung hindi nyo po naitatanong, scholar ako dun at kailangan kong i-process ang ilang requirements para ipasa ulit." Paliwanag ko.
"Oh, so you're a scholar?" She looks impressed pero parang kumulo lang ang dugo ko sa inasal niya.
"Hindi ko alam." Bumuntong hininga ako sabay tingin sa labas. "I was, but they cut it off six months ago. Ang sabi, pansamantala lang raw pero nabalitaan ko nalang inulit na nila lahat ng mga pangalan." I turned to face her only to see that she's already staring.
She looks intrigued.
Sana naman maawa siya't paalisin na ako.
I continued to explain. "Kailangan kong makapasa para masali ulit ang pangalan ko, tyaka second year college na ako within two months, malapit na ang graduation."
"So saan ka kumukuha pangbayad?"
"Nagta-trabaho."
"Saan? Sa mga raket mo? How could you do that?" Mukhang nagtataka ang itsura niya.
"Nag-iipon ako sa pagtatrabaho at pag-apply sa mga scholarship. That's how I do it." I shrugged.
"It must be really difficult for you. Pinagsasabay mo ang pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi kaba sinusuportahan ng pamilya mo? Did they dump you?"
Sa totoo lang naiinis ako sa mga tanong niya, pero mukhang concern naman ang tono ng kanyang pananalita kaya hinayaan ko nalang.
"Maliban sa mga kaibigan ko, wala na akong pamilya." I really hate this kind of topic. Ayokong pinag-uusapan ang wala sa akin. Maiinggit lang ako sa estado ng buhay niya.
"My bad, if it's too private you can keep it. I won't ask." Kumuha siya ng tinidor at nagsimulang kumain. "Kumain ka na lang rin at pagkatapos pwede ka nang umalis.
I stared at her in confusion. It was a bit strange. So she's breaking her character now, huh? That was the first time I heard her say that. Hindi ko nalang din pinansin at nagsimulang Kumain.
*****
Bago lumabas ay muli niya akong tinawag.
"This doesn't count. Make sure you'd be back at exactly four since eight hours ang usapan. May ipapagawa pa ako sayo."
Wala man lang tawad.
Baka gusto nyang doon na rin ako matulog?
Tumango ako sabay iwan nang bayad pero hindi niya pinansin. Inutusan niya pa nga akong umalis na kaya wala na akong nagawa kundi ang magpaalam.
Pagdating sa campus ay sinalubong ako ng yakap ni Andy. Kaklase ko si Andy at kagaya ko, isa rin siyang scholar. Ilan lang kami sa maswerteng nakatungtong sa unibersidad na'to bilang scholar.
"Nagpasa kana ba?" Tanong ko bago kami umupo sa bench.
"Kakatapos lang, Yana. Naumay nga ako sa haba ng pila pero nakatapos din sa wakas." Aniya habang naglalagay ng face powder. "Tyaka alam mo ba? Nandito kanina si Macoy..." Yugyog niya sakin sabay tili. "Hinahanap ka ng kapatid niya kanina at nagkataon na sumama siya. OMG, ang pogi talaga ni Makoy... Pero pangit pa rin ugali ni Merry Cris."
"It's Maddy Threast, not Merry Cris." Nagulat ako sa boses ni Maddy sa likuran habang napa-irap naman si Andy sa kanya.
"Speaking of the devil." Andy whispered. "Whatever Marites."