40.

164 5 0
                                    


YLANA'S POV:





Mahigit tatlumpong minuto na ata ang nakakalipas mula nang pumasok sila. Nakaharap lang ako ngayon sa pinto habang nag-iisip kung ano ba’ng pag-uusapan nila sa loob.


“Hey, Ylana.” Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Sir Noel. Hindi ko namalayan ang presensya niya. “Kanina kapa ba nandito?” Tanong nito dahilan upang tumango ako sabay ngiti ng tipid.

Siya ang pangatlo sa pumasok kasabay nila Kath. Bago pa man kasi siya dumating ay may nauna pang kaibigan nila na hindi ko matandaan ang pangalan. Wala rin naman kasi akong gana alamin.

“May meeting pa po ba kayo, Sir Noel?”

Bahagyang na sorpresa ang mukha nito bago ngumisi. “Session, I guess. Hinihintay mo ba ang boss mo?”

“Ah, opo.” Nahihiyang sagot ko.

“Don't worry. We'll start na rin naman for sure pagpasok ko. Sigurado ka bang okay kalang maghintay dyan?” He asked me again.

“Yes po. Okay lang ako rito.” As if naman may choice pa’ko. “Hindi naman po sigiro kayo magtatagal, ‘diba?”

It's not like I'll be sitting here for the rest of the night, so It will be just fine.

“I don't know.” Kumibit balikat siya. “ It depends.” Sabay ngiti sa akin. “Oh, pa’no? Ma iwan muna kita at paniguradong ako nalang ang hinihintay sa loob.”

Tanging ngiti na lang ang tinugon ko bago siya pumasok. Ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit wala si Alex. Hindi ba't kaibigan din naman nila siya?

Baka late lang?


But Alex values her time very well. She's always ahead of the schedule.

O baka kanina pa siya na una sa loob?


I scrolled through my phone para hindi gaanong ma bored kakahintay.

Umabot ng halos dalawang oras ang hinintay ko ngunit ni isa ay wala paring lumalabas. Ni hindi nga rin ako nakuhang silipin ni Katherine kung okay pa ba ako rito.

Sabagay, sino ba naman ako para kamustahin dito. Eh ayaw niya naman talaga akong sumama.

Unfortunately, I have to go to the restroom. Besides, baka magliyab na ang pwet ko kaka-upo rito. Ang boring.

They must be having a serious meeting or what, I don't wanna bother them.

Naglakad lakat ako sa hallway at patingin-tingin na rin sa paligid sa pag-aakalang makakahanap ako ng restroom.

Jusko naman! Puputok na ‘tong pantog ko! 

I entered the elevator para bumaba nalang. Nang sa ganun ay matanong ko kung sino man ang nasa baba.


“Ma’am?” Bahagyang nagulat ang isang guwardya sakin na may dala-dalang tool box. “May maitutulong po ba ako?” Yun ang unang tanong niya paglabas ko.

Siguro ay pa akyat din siya.

“Nako kuya, salamat.” Nakangiwing sagot ko. Magalang ko siyang tinanong kung saan makakapag-cr at dahil mabait siya ay sinamahan niya ako patungo roon.

“Sarado po ba ang cr sa taas, ma'am?” Nagtatakang tanong niya nang malaman kung saan ako galing.

“Hindi ko po nakita eh.” Natatawang sagot ko bago nagpasalamat sa kanya. Kamot ulo man ay nagpaalam din itong umalis. Tinanong niya pa nga kung may maitutulong pa siya ngunit umiling ako.

Obsession Where stories live. Discover now