YLANA'S POV:
“Baby, pwede ba akong umuwi mamaya sa apartment pagkatapos ng trabaho ko? Doon muna ako matutulog.”
“Why?” Mabilis akong nilingon ni Katherine habang magkasakubong na naman ang mga kilay.
“Wala naman. Ilang araw na kasi akong hindi umuuwi doon at kailangan ko rin maglinis tyaka magbayad.”
Ngumuso siya. “Hindi ba pwedeng online nalang ang payment? I'll pay for it. I can also hire someome to clean your apartment.” Pangungumbinsi pa nito na nginitian ko lang sabay iling. “Fine!” Kelan ka babalik dito sa bahay?”
Mukhang ayaw niya pa akong umalis. I have to clean the house and hindi ako sanay na ibang tao ang nagliligpit ng gamit ko, so I refused. Sobra na yung tulong na binigay ni Katherine sa akin lalo na si Mr. Chavez. Ayokong pati sa mga bagay na kaya ko namang gawin eh hihingi pa ako ng tulong.
Her sharp stare makes me uneasy, pero hinalikan ko na lamang ang noo niya. Alam niyo kahit matagal na kaming magkakilala at halos araw araw na kaming magkasama ni Katherine, she still has this effect on me. Yung tipong titig palang niya matatakot kana eh. But despite her attitude, I still find her adorable.
“Bukas po agad.” Malumanay na sagot ko.
Fuck. I'm a hopeless case.
“Are you sure?” Binitawan niya ang dalang laptop saka siya lumapit at niyakap ako sa batok. Dahil sa heels na suot niya ay naging pantay ang taas namin. Kung kanina lang ay hindi mabasa ang itsura nito, ngayon naman ay nangungusap na ang mga mata na parang bata habang nakatingin sa akin.
“Opo.” I kissed her forehead once again. “Stop pouting, isang araw lang naman ako dun.” Kantyaw ko. Oa naman neto.
Hindi kasi siya makakasama dahil may kailangan pa siyang tapusin mamayang gabi. Minsan very workaholic, madalas very masungit. Ghad, I love her!
“I’m not.” Sagot niya sabay pabirong umirap sakin. “I bought you new clothes, by the way.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Kunin mo mamaya pag-uwi natin, okay? Bagay yun sayo.”
Bossy as always.
“Noted, baby.” I mumbled, bago siya hinalikan sa labi.
We packed our things and headed downstairs. Nagpa-iwan ako sa may gate at pumunta naman sa garahe si Katherine upang pumili ng kotseng gagamitin. Paiba-iba kasi ang mood nang babaeng yun kaya naka-depende rin sa kanya kung anong kotse ang gagamitin namin. Ewan ko nga eh. Lahat naman ng sasakyan sa garahe nila maayos at walang sira. Sadyang mapili lang si Katherine.
“Ylana?” Lumingon ako sa kaliwa nang marinig ang boses ng pinsan ni Katherine.
“Martin?” Lumapit siya sa akin.
Katherine told me kagabi na huling araw ko muna ngayon sa trabaho since malapit na ang holidays. Although she said it, Kath was still a bit disappointed na uuwi ako. Gusto na ata akong ibahay lagi.
“May itatanong sana ako.” Mukhang seryoso si Martin kaya nawala rin ang ngiti ko. “Total ikaw naman ang palaging kasama ni Kathy, may ideya ka ba kung anong ganap sa kanya?”
Kumunot ang noo ko sa tanong ni Martin. Ano ang ibig niyang sabihin? “Bakit, anong ibig mong sabihin?”
“I'm just curious about her. These past few days kasi hindi na siya gaanong bugnutin. Actually, napapansin ko mga nitong araw lang din. Ano bang meron while I was not around?”
I looked at him weirdly. “Hindi ba mas okay nga yun? Dahil hindi na siya laging bugnutin?” Lihim pa akong natawa sa tanong niya.
“Hindi naman sa ayoko. Alam mo kasi—-Hays! Dito nga tayo.” Hinila niya ako papasok saka muling nagsalita. “I saw hickies on her neck. I know hindi dapat ako mag-alala pero kasi ang random lang.”
