YLANA’S POV:
Kagaya ng pinag-usapan, pagkatapos naming kumain sa labas ni Alex ay hinatid niya ako pabalik sa campus.
During lunch, she was just talking nonstop. Nakakatuwa nga e, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Tipong kahit nakikinig lang ako ay na e-enjoy ko ang usapan namin.
Alex isn't the type na hambog kung mag kwento. She's cocky and noisy, yes. But she's also very humble at the same time. What a ray of sunshine.
I took the last exam, and gladly it wasn't that hard like I expected. Mabilis ko lang ding natapos dahil halos lahat ng lumabas ay napag-aralan ko naman.
“Sabay ka ba samin? Dadaan kami sa Parke para kumain.” Masayang tanong ni Andy habang naka-akbay sa akin.
“Hindi siguro, may susundo kasi sakin eh.”
Lumapad ang ngisi sa labi niya at maloko akong tiningnan. “Ikaw haaa.”
“What’s up?” Singit ni Maddy sa harap n namin. “Sama ka?”
“Hindi—”
“Hindi siya sasama, may date kasi yan.”
“Sinong ka-date mo?” Curious na tanong ni Maddy.
“Naniwala ka naman sa isang yan.” Iling ko. “May kasama lang akong umuwi kaya hindi ako makakasabay sa inyo.”
Hindi nakumbinse si Maddy kaya imbis na tumahimik ay sinimulan nila akong tuksuin. Mga sira ulo talaga. Mas lalo pa silang umingay nang kumaway si Alex sa akin sa labas habang naka-sandal sa kotse niya.
“Is that her?”
“Siya ba ang boss mo?”
“Hindi, si Engineer Alex yan. Kaibigan ng boss ko.”
Hinatid nila ako sa may parking lot bago nagpaalam na umalis. Nakikipag biruan pa nga sila kay Alex kaya napa-kamot ulo nalang ako.
“Are they your classmates?” She asked while pulling a seatbelt for me.
“Oo. ‘Wag mo na lang pansinin, mga baliw talaga yun.” Dagdag ko pa dahilan upang matawa si Alex. “Nga pala, akala ko ba may trabaho ka ngayon?”
“I made you a promise earlier na susunduin kita, diba? Kaya it's fine.”
“Pero may trabaho ka nga?” Pagtatama ko. “Pwede naman akong mag commute eh. Palagi ko naman yung ginagawa, tyaka nakakahiya ngang hinatid-sundo mo pa ako.”
“Don't be sorry, Yannie. I settled everything before I planned to fetch you.” She gave me a beam smile. “Ano ka ba?”
I really like how Alex's mind works. She's totally ahead.
“Salamat.”
Bago kami umuwi ay dumaan siya sa drive thru upang bilhan ako ng pagkain. Well, she bought herself a coffee, but I didn't ask her to buy something for me. In fact, I wasn't expecting her to treat me. Ang sabi niya raw kasi ay baka nagugutom ako, kahit hindi naman talaga. Ngunit heto, habang nagmamaneho siya ay kumakain naman ako sa passenger seat.
“Tomorrow na lang ba exam niyo?”
“Until Friday pa.” Tipid na sagot ko habang kumakain. “Isang subject lang naman sa Biyernes at ang mas nakaka-irita, alas-kwatro pa ng hapon.”